Quantcast
Channel: Komentaryo – Pinoy Weekly
Viewing all 36 articles
Browse latest View live

Mga plakard sa panahon ng Con-ass

$
0
0
Sa harap ng Kamara isang araw matapos ang "katrayduran" ng mayorya ng mga kongresista: samu't sariling karatula. (KR Guda)

Sa harap ng Kamara isang araw matapos ang "katrayduran" ng mayorya ng mga kongresista: samu't sariling karatula. (KR Guda)

Noon, nagpanukala ako ng “Mga Plakard sa Panahon ng ZTE.” Pumatok naman, lalo na ang “Zobra na, Tama na, Exit na!” na nakita kong ginagamit sa mga rali.

Ngayon, dahil sa pagratsada ng Kongreso sa resolusyon nitong ipatawag ang constituent assembly para sa pagbabago ng Konstitusyong 1987, tiwala akong naghahanda na ang iba’t ibang grupong pampulitika para maglunsad ng mga kilos-protesta – na sana’y malalaki, dumadagundong! – sa mga darating na linggo. Heto ang munting ambag, mga konsepto para sa mga gagawing plakard:

CONGRESS OF ASSHOLES
Wala nang ginawang mabuti ang kongresong ito. Bukod sa pagpasa ng iba’t ibang patakarang kontra-mamamayan, ilang beses nitong ibinasura ang mga kasong impeachment laban kay Gng. Arroyo. Tumabo ang mga miyembro nito sa pork barrel, bukod pa sa mga suhol ng pekeng pangulo kapag nalalagay sa krisis.

ABNER AFUANG, NASAAN KA? MAS MARAMING BABOY SA KONGRESO, BUHUSAN MO… NG ASIDO
Sabi nila, mulat man o hindi, nagsilbing distraksyon ang sex scandal nina Hayden Kho at Katrina Halili sa maruruming pakana ng Malakanyang at Kongreso. Anu’t anuman, mas dapat kabwisitan ng mga mamamayan ang mga kongresistang maka-Gloria. Ang Inang Bayan lang naman ang binababoy nila.

NOGGIE, DOGGIE NI GLORIA
Ipinapakita ni Speaker Prospero “Noggie” Nograles kung bakit siya ang ipinalit kay Kong. Jose de Venecia. Mas tuta siya ng Malakanyang. Noong una, pinagdudahan pa kung itutulak talaga niya ang Con-Ass. Pero ngayon, kitang-kita ang paglibot niya sa Kongreso para tiyakin ang tagumpay ng amo niya.

VILLA-PWERTA: LOKOHIN MO ANG LELANG MONG PANOT!
Maganda kung may imahe ito: Si Kong. Luis Villafuerte, ipinapakita ang pwet niyang malabsak at may galis – pagsasa-literal ng kabastusan niya. Nagdrama pa siya dati na hindi raw matutuloy ang Cha-Cha, galit pa kunwari kay Speaker Nograles. Ngayon, kesyo mga probisyong pang-ekonomiya lang ang babaguhin.

MIKEY ARROYO: MASAMANG AKTOR, MAS MASAMANG KONGRESISTA
Ito rin, maganda kung may imahe: mula sa pelikula niya, bilang action star. Masagwa siyang aktor, at walang nag-isip na kinailangan niyang umarte para sa sining o dahil kailangan niya ng pera. Pero ngayon, hindi lang mga walang-magawang nanonood ng pelikula niya ang apektado ng pangit niyang ginagawa.

KONGRESMAN: BALATO NAMAN DIYAN!
Tuwing mahaharap sa krisis ang rehimeng Arroyo, yumayaman ang mga kongresista. At saan naman kaya kukuhanin ang P20 Milyon na ipinangako diumano sa kanila ng amo nila? Tinatanong pa ba iyan? Ang kakapal ng mukha! Biglang nagsidalo, nagsalita at naging episyente sa pagpasa ng isang panukala.

CON-ASS: CONCEPT NG ASSHOLE
CON-ASS = GLORIA FOREVER
CON-ASS: CONGRESSWOMAN ARROYO SAYS SO
CON ASSEMBLY AY MATULOY, GLORIA AY IWAS-PUSOY

Hindi kailangang maging henyo para malaman kung sino ang utak ng Con-Ass. Ang plano daw ay maging punong ministro si Gng. Arroyo kapag binago ang sistema ng gobyerno sa pagbago sa Konstitusyon. Kung si Noli de Castro ang pangulo, si Gloria pa rin ang reyna. Ni hindi siya masasampahan ng mga kaso.

UNCLE SAM: I WANT YOU… TO BE MY BEDSPACER
PHILIPPINES
FOR SALE
Dapat may imahe ito. Sabi ng mga kongresista, gusto lang nilang magkaroon ng 100% pag-aari ang mga dayuhan ng lupa sa bansa – hindi raw nila gustong palawigin ang termino ni Gloria. Na para bang maganda na magmay-ari ng ganito ang mga dayuhan. Lalo tayong magiging iskwater sa sariling bansa. Hindi na residente, bedspacer na lang.

CONVERGE AND ASSEMBLE NOW!
CONVERGE AND ASSERT OUR NATIONAL PATRIMONY!
CONTEST THE ASSEMBLY!
Lalong pinapatunayan ng mga naganap na wala tayong maaasahang mabuti, tayong mga mamamayan, sa Kongresong ito. Nakita natin kung gaano sila ka-pursigido at ka-garapal sa pagtutulak ng masamang pakana nila para sa bansa. Kailangan natin itong tapatan. Gawin natin ang lahat para iparinig ang ating pagkasuklam at mariing pagtutol. Pero higit sa lahat, sumama tayo sa kilos-protesta. Sa harap ng ganitong klaseng mga kalaban, wala nang mas mabisa.

04 Hunyo 2009

Mula sa kapirasongkritika.wordpress.com


Ang patuloy na katuturan ng laban ni Cory Aquino

$
0
0

Nakakulong ako sa Kampo Crame nang pumutok ang EDSA 1 noong Pebrero 22, 1986. Nahuli ako noong Enero 29, 1984. Buntis ako nang nahuli, ikinulong at nanganak sa loob ng Crame. Isa ako sa mga lumayang bilanggong pulitikal noong 1986 bilang bahagi ng tagumpay ng People Power at pagkaupo bilang pangulo ni Corazon “Cory” Aquino.

Isang dahilan ito kung bakit isa rin ako sa milyong Pilipinong nakidalamhati sa kanyang pagpanaw at isa sa daang libong taong naging bahagi ng huling martsa ng yumaong pangulo, ang paghatid sa kanya sa kanyang libingan nitong Agosto 5, 2009.

Pero hindi lamang ang paglaya ko at ang naging papel ni Cory Aquino para tuldukan ang diktadurang Marcos at mapalaya ang mga bilanggong pulitikal noong 1986 ang naging dahilan sa aking pagbibigay pugay at pasasalamat ko sa kanya kahit na magkakaroon ng bahid ang pagtingin ko sa kanya kaugnay ng mga isyu ng mga magsasaka, pagbayad sa utang panlabas, base militar, patakarang all-out war at usapin ng karapatang reproduktibo ng kababaihan sa panahon ng kanyang panunungkulan.

Nanatiling relevant, may katuturan, si Cory hanggang sa kanyang pagpanaw. Pinakita niya di lamang sa salita kundi sa gawa ang pagmamahal niya sa bayan.

Para sa akin, “she walked the talk” kaugnay ng paglaban sa korapsyon, pandaraya, diktadura at iba pang iskemang pahabain ang panunungkulan sa pwesto ng mga nakaupong pangulo. Bumitiw siya sa kapangyarihan nang matapos ang kanyang termino noong 1992. Pero hindi siya nagkasya sa isang buhay ng isang retiradong pangulo at magkanlong sa pampang ng mapayapa at maalwang pamumuhay. Sa halip, patuloy siyang sumuong sa matitinding unos at bagyo sa panahong kailangang tumindig at kumilos.

Nasa unahan si Cory Aquino ng mga pagkilos para sa truth and accountability kaugnay ng paglalantad ni Jun Lozada sa talamak na korapsyon sa kontratang NBN/ZTE na sangkot si Gloria Macapagal-Arroyo at ang kanyang asawa.

Hindi ko rin nakakalimutan ang pagtindig at pagmartsa ng yumaong Pangulong Cory Aquino laban sa tangkang pagpapalawig ng termino ng noo’y Pangulong Fidel Ramos sa pamamagitan ng charter change at ang paging bahagi niya ng EDSA 2 laban sa korapsyon ng administrasyong Joseph Estrada.

Matining sa aking alaala ang matapang na pagbatikos niya sa administrasyong Arroyo nang inilantad ang pandaraya sa eleksyong presidential noong 2004 sa iskandalong “Hello Garci”. Kinausap pa niya sa Arroyo para hilinging bumaba na sa pwesto. At noong Setyembre 6 ay kasama si Cory sa martsa ng mamamayan mula St. Peter’s Church sa Commonwealth tungong Batasang Pambansa. Hindi nakaabot ang martsa sa Batasan dahil hinarang na ito ng mga pulis at mga trak ng bumbero.

Naroon din ako nooong Hunyo 10, 2009 sa Ayala nang binasa ni Kiko Dee, apo ng noong maysakit nang Cory, ang huling pampulitikang mensahe ng dating pangulo sa rali kontra sa Charter Change at Constituent Assembly. Sa mensaheng iyon, nanawagan siya ng patuloy na paglaban sa tiraniya. “Nang mapalayas natin ang diktador, hindi ba’t ipinangako nating hindi na tayo papayag na mawala muli ang ating kalayaan? Subalit, narito muli tayo, sa gitna ng walang-hiyang pang-aabuso ng mga makapangyarihang nagnanais na sirain ang mga pinakapayak sa ating mga batas,”

Nitong mga nakaraang araw, nagpaabot ang isa sa mga katulad ko na napalaya noong 1986 ng panghihinayang na hindi niya napasalamatan ang yumaong pangulong Cory sa pagpapalaya sa amin. Naalaala ko bigla na mayroon akong sulat mula kay Cory noong Mayo 21, 1986 bilang tugon sa isang sulat pasasalamat ko sa kanya.

Maiksi lang ang sulat. Nagpasalamat siya sa isang card at token (hindi ko matandaan ngayon kung ano ito pero pusibleng isang kwintas na gawa ng mga bilanggong pulitikal) na ipinadala ko.

May patuloy na katuturan ang ikalawang talata ng kanyang sulat:

“In the face of our enormous task of nation-building, it is encouraging to learn of your continued support and involvement. Please continue your efforts in helping us rebuild a strong democracy and a healthy economy for our sake and that of our children.

Nais kong magtapos sa pamamagitan ng isang excerpt sa isinulat ng isang myembro ng bagong henerasyon ng mga aktibista, si Ilang Ilang Quijano, sa kanyang artikulo sa Pinoy Weekly hinggil sa libing ni Cory:

Ang mga progresibo, hindi simpleng nagmamahal lang kay Cory. Nagmamahal sila sa laban niya, na hindi nagtatapos, kundi umiigting pa nga sa ilalim ng kasalukuyang rehimen. At sa madaramang diwa ng mga tao sa martsa-libing—nagluluksa, nagpupugay, nagpapasalamat, pero higit sa lahat, lumalaban—lumilitaw na hindi sila nag-iisa.

Tuloy ang laban ni Cory, kontra charter change, kontra tiraniya, kontra Gloria
Makibaka, Huwag Matakot!
Mabuhay ang sambayanang Pilipino!

Ang akdang ito ay binasa ni Judy Taguiwalo, convenor ng Pagbabago! (People’s Movement for Change), sa isang seremonya sa Bantayog ng mga Bayani noong Agosto 8.

Pagkakakilanlan sa mga kabilang sa Morong 43

$
0
0

* Ang sumusunod na mga sanaysay ay mula sa punto-de-bista ng isang katrabaho ng dalawa sa tinataguriang Morong 43, o mga doktor at health worker na tinortyur ng militar at patuloy na nakadetine. Si Terence Krishna V. Lopez ay kasalukuyang istap ng Council for Health and Development (CHD). Ang CHD ang pambansang organisasyon ng Community-Based Health Programs sa Pilipinas, na nagsimula noong 1973.

Si Dr. Merry Mia-Clamor, direktor ng Health Education, Training and Services Department ng CHD.

Si Dr. Merry Mia-Clamor, direktor ng Health Education, Training and Services Department ng CHD.

Dr. Merry B. Mia-Clamor

Merry, as she is called in the office, here at the Council for Health and Development (CHD) and among the NGO circle is indeed, that- Merry.

With her endearing laughter and zest for life, the office is never a boring work environment.

Whenever she’s around, we are endeared of her stories- simple delightful stories about her little boys who are both very cute and loveable. About how her older son cries when she’s about to leave the house or bargains for pasalubong so that he will let his nanay go or how her younger son who is only 11 months old, smiles at her everytime she arrives from work, everyday.

She is also loved by the people in the communities for being the down to earth lady doctor who laughs with them without pretense and possesses not an iota of air and arrogance of a professional.

When it comes to work though, she is as serious as can be.

She is a dedicated doctor and an efficient director of the Health Education, Training and Services Department of CHD.

Like her colleagues in the office, she has the innate interest and gusto to go to the different far-flung communities in the country whether in Luzon, Visayas or Mindanao.

Last year for instance, she was able to assist in the medical missions and trainings requested by the different member programs of CHD such as in General Santos City, Panay, Samar, Leyte and Negros along with the other health workers and health professionals who have dedicated their lives to serving the poor and the marginalized peasants, fisher folks, workers, urban poor, women and children.

Because she knows how little the people get from the state that does not count health as a social service or a basic human right among its priorities, Merry opted to stay and serve her country. She chose to go against the flow when many of her colleagues find greener pastures outside the country.

Even if it means serving as a community doctor entails time away from her loved ones more often than having a regular clinic-based practice, Merry opted to stay because she knows she can do a lot to help and contribute in empowering the people and improving the state of health. Even if it means she may never really be a rich doctor working as a people’s doctor. Even it if means her life is always at risk.

Like what happened last February 6, 2010 in the house of Dr. Melecia Velmonte in Morong, Rizal where Merry was one of the trainers of an advance health skills training sponsored by CHD and the Community Medicine Development Foundation (COMMED).

300 joint elements of PNP-Rizal and 202nd Infantry Brigade of the Armed Forces of the Philippines raided the house and took Merry and the 42 others who were trainers and participants of the training blindfolded without telling them why.

They were brought to Camp Capinpin in Tanay, Rizal and detained them without any legal basis. The search warrant served was illegal and unconstitutional.

Until now, Merry and the other 42 health workers are still illegally detained at the AFP camp, among them Ma. Teresa Quinawayan, midwife and mother, health worker Reynaldo T. Macabenta, both staff of CHD, Registered Nurse Gary Liberal and health worker Lydia Ubera both of the Alliance of Health Workers and Dr. Alexis Montes of COMMED who was also the national health services director of the United Church of Christ of the Philippines from 1986 to 2006.

The country needs more people like Merry, Teresa, Rey, Gary, Lydia and Alex.

The state needs to pay tribute to them and support their dedication for people’s health instead of detaining and torturing them.

*Merry, 33 years old is a graduate of Pamantasan ng Lungsod ng Maynila-College of Medicine and the Director of the Health Education, Training and Services department of the Council for Health and Development.

Ma. Teresa Quinawayan, project coordinator ng community-based health programs ng CHD

Ma. Teresa Quinawayan, midwife at project coordinator ng community-based health programs ng CHD

Ma. Teresa Quinawayan

A graduate of Fabella School of Midwifery in 2002, Ma. Teresa Quinawayan is a registered midwife by profession.

However, her title ends there. Not because she does not practice her profession but because as a health worker for the Council for Health and Development, she is more than a midwife.

A single mother to a beautiful and smart little girl, she did not let poverty get in the way of her passion and dedication to serve the people through community health and help in empowering her fellow Filipinos. She knew that her family is part of the greater society she serves.

As a daughter, her mother said she is the best daughter any parent could ever ask for. Kind, sweet, hard-working and diligent are only few of the words her mother uses to describe her.

Teresa is loved by her colleagues because she is very hard-working yet very humble to the point of being shy at times. Her shyness fades away easily though, when she is living among the people from the rural and urban communities and shows her strength as an organizer and health educator.

She is an organizer in the communities in Pasig and Quezon City where CHD has trained community health workers in the health committees of the local organizations.

As a health worker, she does not mind being sent to far-flung areas, anytime she is needed to give trainings or help in medical missions. Even if it means being away from her daughter and family for several months.

She has also served different communities in Zamboanga del Sur in Mindanao, being a project coordinator in one of CHD’s community-based health programs.

Gifted with a beautiful singing voice and a hand for sketching, Teresa is also a cultural worker in the health sector and a member of the Sining Medikal, the health sector’s cultural group.

*Tere, 26, is CHD’s Field Assistance Unit staff.

Pagsulat, pagpanig

$
0
0
Si Kenneth Guda, nagbasa ng keynote speech sa CEGP Alumni Homecoming. (Pher Pasion)

Si Kenneth Guda, nagbasa ng keynote speech sa CEGP Alumni Homecoming. (Pher Pasion)

Keynote Speech sa College Editors Guild of the Philippines Grand Alumni Homecoming

 

Kapwa kong Guilders:

Maligayang pagbati sa mahalaga at makabuluhang okasyong ito!

Maraming salamat, sa kasalukuyang mga opisyal ng pambansang tanggapan ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP), para sa pag-anyaya. Anuman ang dahilan ninyo para imbitahan akong magsalita sa inyong harapan (ehem), gusto kong ipagpasalamat ang pagkakataong ito. Sana patawarin ninyo ako sa sasabihin kong ito, bilang pagsagot na rin sa mga tanong na nababasa ko mula sa mukha ng mga kapwa Guilder ko ngayon: Sino ba ito’ng nasa harap natin at bakit siya ang Keynote Speaker?

Pinaunlakan ko po ang CEGP, sa huling sandali, matapos umatras ang tiyak na mas kapita-pitaganan pang kapwa-Guilder—na (1) mas matanda sa akin; (2) mas maraming nagawa sa akin; (3) may mahahalagang gawaing di nila maiwan, gaano man kagusto nilang pumunta rito at magsalita sa harap natin. Kung kaya, nauwi sa akin: isang di-pa-naman-katandaang tagapagsalita na, sabihin na nating madaling maawa at makumbinsi, at handang sumaklolo sa minamahal nating CEGP.

Kaunting pagpapakilala lang, kung gayon. Ako po si Kenneth Roland Guda. Ako po ang Editor in Chief ng Pinoy Weekly, isang progresibong online at print newsmagazine sa wikang Pilipino na pumapaksa sa mga isyu ng mardyinalisadong mga mamamayan ng bansa. Board member din ako ng PinoyMedia Center, Inc., isang NGO na naglalayong mag-ambag sa demokratisasyon ng pamamahayag sa bansa.

Hindi po ako naging opisyal ng Guild. Tiyak na marami sa inyo ang may karangalang nagkaroon ng katungkulan sa inyong panahon, kabilang na, ehem, ang ating Punong Mahistrado na doon sa Padre Faura nag-oopisina at malamang na masyadong busy para mapaunlakan pa tayo.

Hindi po ako naging opisyal ng CEGP, pero naging miyembro nito, dahil naging manunulat at features editor ng pahayagang pangkampus na Philippine Collegian dito sa UP Diliman, mula taong 2000 hanggang 2002. Taong 1999 ako napasok sa Kule (o P.Kule, para sa mga kapwa Guilder sa Manila Kule at Makati Kule) bilang features writer sa ilalim ng termino ni Seymour Barros Sanchez. Pero 1994 pa ako pumasok sa UP.

Hindi pa naman katagalan iyon. Pero noong panahong iyon, maraming nangyayari sa kampus, dito sa Diliman. Marami ang nangyayari sa sektor, o iyung mas kilala natin bilang youth sector. Marami ang nangyayari sa bansa. At ang Kule na inabutan ko, nasa transisyon mula sa isang serye ng mga termino na sabihin na nati’y hindi masyado sang-ayon sa brand of campus journalism ng CEGP. Hindi ata sila naging aktibo sa CEGP noong termino nila. Nang mapasok ako sa Kule noong 1999 at kalauna’y napasabak sa isang editorial exam training para sa susunod na mga editor, nakarating sa amin ang isang kopya ng CEGP Stylebook. Binalikan ko kanina ang isang kopya ng Stylebook na ito, at napag-alamang lumabas ito noong 1984. Si Marichu Lambino ang presidente ng CEGP. Sa pagkakaalam ko, si Atty. Lambino ay tagapangulo ngayon ng Journalism Department ng UP College of Mass Communication. Siya rin ang naging abogado ng Kule noong term ni Seymour Sanchez, nang masampahan ng kasong libelo ng isang fraternity ang editorial board—kasong ibinasura din naman ng korte salamat sa galing ni Atty. Lambino at kapalpakan ng naturang fraternity.

Pero noong editorial exam training, sinubukan naming talakayin at gamitin bilang reference ang CEGP Stylebook. Natuwa kami sa nilalaman nito. Para sa isang dating editor ng Kule—editor siya noong naging inactive ang Kule sa CEGP, marami siyang natutunan, sa pagbasa lang ng Stylebook. Iyung tipong basic na kaalaman sa paglalabas ng dyaryo—kahit na naging editor na siya ng Kule. Sabi pa niya, iyan daw ang napapala ng campus publication na hindi sumasali sa CEGP: Hindi natututo ng tamang paglabas ng dyaryo.

Alam ng bawat Guilder, ng bawat campus editor na dumaan sa mga Congress, convention, workshop, discussion, kung gaano kalaki ng ambag ng CEGP sa kanilang kaalaman sa pamamahayag. Kahit na iyong batayang kaalaman sa pagsusulat ng balita, lathalain, pagsusulat pangkultura, pagkuha ng larawan, layout, atbp., hindi matatawaran ang naging serbisyo ng CEGP sa hene-henerasyon na mga mamamahayag pangkampus. Hindi ito biro, dahil marami talagang hindi naituturo sa kolehiyo. Alam naman natin kung gaano kabulok ang sistema ng edukasyon. Iilan lang naman ang kolehiyo o pamantasan na talagang may kursong pamamahayag. Kahit sa puntong iyon, sapat nang ipagdiwang ang nagpapatuloy na legacy ng CEGP sa pamamahayag sa bansa.

Siyempre, hindi ko pa binabanggit ang higit na mas malaking ambag nito: Ang pagguhit ng prinsipyado at progresibong  pilosopiya sa pamamahayag. To Write Is Already To Choose. Hindi ko alam kung kailan o anong batch ang unang nagpauso ng katagang ito, pero sa pagdala ng CEGP ng katagang ito, napakalaki na ang naging ambag nito sa pamamahayag, hindi lang sa kampus, kundi sa bansa. Ikumpara mo ito sa: “Balanced News, Fearless Views.” O kaya sa “Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong Totoo Lamang.”

Sa ilan sa ating nakapagtapos o nakakuha ng kurso ng pamamahayag, hindi masyado tinuturo ang To Write Is Already To Choose, o kaya Objectivity Is A Myth—pero napakatotoo nito. Sakto, kabataang mamamahayag ang kinakatawan ng CEGP, dahil ito ang batang humiyaw sa parada ng Hari at nagsabing “Walang damit ang Hari!” Sa mga mamamahayag, sa mga nasa industriya ngayon ng news media, ramdam ang katotohanang ito. Pero wala masyadong nagsasalita, walang humihiyaw ng katotohanang hindi totoo na balanse ang balita, hindi totoong walang takot nilang inihayayag ang kanilang pananaw. Hindi totoong wala silang kinikilingan, wala silang pinoprotektahan, at “totoo lang” ang kanilang serbisyo.

Kung totoo lang ang pakay nila, halimbawa, bakit lahat, lahat ng welga ng mga manggagawa at labor dispute sa pangunahin nilang mga advertiser—mga SM, mga Nestle, mga Coca-cola (kamakailan)—ay hindi nabibigyan ng kahit kapirasong espasyo sa kanilang pahina at programa? Bakit laging nangunguna at binibigyan ng prayoridad sa airtime ang sinumang presidente, sinumang opisyal ng gobyerno? Bakit hirap na hirap na mapag-usapan sa kanilang midya ang batayang mga isyu ng mga mamamayan—mga isyung katulad ng tunay na reporma sa lupa, kalagayan ng paggawa, sahod ng manggagawa at kawani, nagtataasang presyo ng mga bilihin at langis, demolisyon at problema sa pabahay, diskriminasyon sa kababaihan at LGBT, militarisasyon at pangangamkam sa lupa, malawakang pandarambong at pagkasira ng kalikasan, taun-taong pagkaltas sa badyet ng mga serbisyong panlipunan, at marami pang iba? Siyempre, ang sagot lamang ay dahil pumili na sila ng papanigan. Dahil hindi nila kayang paninindigan ang mito ng obhetibismo. To Write Is Already To Choose.

At ano ang laman sa ating mga pahayagan, sa ating mga pahayagang pangkampus at sa tinatawag na alternative press o alternative media? Istrikto ang ating pamantayan sa newsworthiness: Isyu ba ito ng mga mamamayan? Gaano katindi ang epekto nito sa mga mamamayan? Ano ang tingin sa usaping ito ng mga mamamayan, partikular ng organisadong hanay ng mga mamamayan? To Write Is Already To Choose nga: Pinipili nating pumanig, sa interes ng mga mamamayan, sa pagsisiwalat ng kanilang mga hinaing, paghihirap, pagsisikap at pag-aalsa. Pumili tayo, at natural na pipiliin natin ang mga mamamayan.

Marami nang dinaanan ang CEGP. Deka-dekada nang mamamahayag pangkampus ang dumaan dito. Marami ang tumuloy sa pagsasapraktika sa industriya ng pamamahayag. Marami ang naging matagumpay sa iba’t ibang larangan o disiplina na pinasok nila—mga Renato Corona, mga Reynato Puno, mga Miriam Defensor, mga Joker Arroyo, at iba pa. Marami rin ang naging ordinaryong mga mamamayan. Marami rin ang nagpatuloy, hindi sa pagsusulat o pamamahayag, kundi sa pagpanig sa mga mamamayan. Ang ilan sa kanila, tulad nina Ditto Sarmiento, Antonio Tagamolila, Emmanuel Lacaba, Maria Lorena Barros, Evelyn Pacheco, Benjaline Hernandez, Rachel Mae Palang, at marami pang iba, nasawi habang tinatangan ang panata sa bayan na unang binigkas nila nang Guilder pa sila. Ang ilan na pinili ang katulad na landas, landas ng paglilingkod at panganib at sakripisyo, tulad nina Randy Malayao at Ericson Acosta, ay siniil at piniit. Nawawala pa rin sina Jonas Burgos at James Balao. Kasama natin sila ngayon, ang kanilang diwa, ang kanilang panulat at paninindigan.

Ikinararangal at ipinagmamalaki kong maging bahagi ng Guild. Ikinararangal ko, at sana’y sa aking gawain bilang mamamahayag sa progresibo o alternatibong midya ay maipagpatuloy ang lahat ng natutunan at hinangaan ko rito. Hinihimok ko kayo, tayong lahat na naging bahagi ng kasaysayan nito, na ipagpatuloy ang pagsusulat, ipagpatuloy ang pagpanig.

Maraming salamat po!

Kenneth Roland A. Guda
Philippine Collegian (UP Diliman) 1999-2002
Alumnus, College Editors Guild of the Philippines
Editor, Pinoy Weekly

Binasa noong 30 March 2012
College of Arts and Letters Atrium
University of the Philippines
Diliman, Quezon City

Ang China, US, Scarborough at Balikatan

$
0
0
Aerial photo ng Scarborough Shoal (Wikimedia Commons/NASA)

Aerial photo ng Scarborough Shoal (Wikimedia Commons/NASA)

Madalas naitatanong kung bakit wala tayong protesta ngayon laban sa incursion ng Chinese fishing vessels at maritime surveillance ships sa Scarborough Shoal at bakit daw sa US lang nakatuon ang protesta ng Kaliwa. Ang katunayan niyan ay maaga pa lang nagpahayag na ang Bayan (Bagong Alyansang Makabayan) laban sa Chinese incursion sa Scarborough Shoal at nanawagan din sa PH government na igiit ang soberanya ng Pilipinas. Naghain na rin ng resolusyon ang progresibong partylist groups para imbestigahan ang naturang incursion sa teritoryo ng Pilipinas.

Pero sa pagitan ng China at US, di hamak na mas malala, mas masaklaw at mas mapanganib ang ginagawa ng US sa ating bansa. Hindi lang incursion sa teritoryo ng bansa ang ginagawa ng US. Nais ng US ang permanenteng presensyang militar sa ating bansa. Nais ng US na gawing military outpost ang hindi lang isa kundi maraming bahagi ng bansa, mula Luzon hanggang Mindanao. Ginagawa ng US na isang laboratoryo ang Pilipinas para sa counterinsurgency operations nito, kabilang ang paggamit ng drones. Ginagamit din ng mga tropang Kano ang Pilipinas para sa mga notoryus na “rest and recreation” activities. At gagamitin din ang Pilipinas bilang lunsaran ng mga operasyong interbensyon ng US sa rehiyon.

Sa usapin ng dispute sa China, umiiral na ang mga hakbangin ng gobyerno para hanapan ng diplomatikong solusyon ang usapin. Marami na ngang ahensya ang pinapakilos sa isyung ito. Pero sa usapin ng US troops at VFA, kapansin-pansing walang makabuluhang aksyong ginagawa ang gobyerno para tugunan ang mga isyung pang-soberanya. Kabaligtaran pa, nanghikayat pa ang gobyerno ng dagdag na sundalong Kano at ibinubukas pa ng Pilipinas sa ibayong paglabag ng soberanya.

Walang pasubali, tutol tayo sa incursions ng China at paglabag sa soberanya ng Pilipinas.  Tutol tayo sa anumang “bullying” at paggamit ng pwersang militar sa usapin ng territorial dispute. Pero dagdag pa dito, kailangang mas pursigido nating tutulan itong balak ng US na magmistulang base militar muli ang buong Pilipinas. Di dapat payagan ang US na gamitin ang isyu ng South China/West Philippine Sea para bigyang katwiran ang plano nitong magdagdag ng tropang Kano sa Pilipinas. Di dapat manghimasok sa usaping ito ang US. Isang malaking pagkakamali na isiping magkapareho ang interes ng US ang Pilipinas pagdating sa territorial disputes. Layon lang ng US na maisulong ang imperyalistang agenda nito na makapaghari sa rehiyong Asya, bagay na hindi naman alinsunod sa pambansang interes ng Pilipinas.

Tropang Kano sa Pilipinas. (PW File Photo)

Tropang Kano sa Pilipinas. (PW File Photo)

Ang usapin sa Scarborough Shoal at Spratlys ay mga dispute sa pagitan ng mga bansang naggigiit ng territorial claims. Diplomatiko ang pangunahing paraan ng pagresolba sa isyu. Samantala, ang usapin naman ng US troops at VFA ay pagsiskap ng isang imperyalistang bansa na ituring tayong tila isa pa ring kolonya nito. Pulitikal na pakikibaka ang pangunahing paraan ng resolusyon sa isyu. Kung susuriin ng mas malalim, talagang magkaiba ang pinagmumulan ng dalawang usapin at magkaiba ang paraan ng pagtugon.

Higit na nangangailangan ng kagyat na aksyong protesta ang usapin ng US troops at VFA dahil sa saklaw ng isyu at sa tindi ng paglabag sa soberanya ng bansa. Aminado ang mga progresibo na ito ngayon ang pangunahing pinagtutuuan ng mga pagkilos. Pero habang nangyayari ito, matamang babantayan natin ang developments sa usapin ng China at dun ibabatay ang anumang magiging susunod na hakbangin.

___

Si Renato Reyes Jr. ay pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan). Unang lumabas ang komentaryong ito sa kanyang blog.

Bakit dapat managot ang mismong administrasyong Aquino sa masaker sa Silverio Compound

$
0
0
Video grab, mula sa Balitanghali ng News 13, ng isang miyembro ng SWAT Team na nagpapaputok sa mga sibilyang tumututol sa demolisyon sa Silverio Compound. (video grab ni Vencer Crisostomo)

Video grab, mula sa Balitanghali ng News-TV 11, ng isang miyembro ng SWAT Team na nagpapaputok sa mga sibilyang tumututol sa demolisyon sa Silverio Compound. (video grab ni Vencer Crisostomo)

Isa, ang napatay sa pamamaril ng mga elemento ng Southern Police District (sa ilalim ni Senior Supt. Billy Beltran) sa mga mamamayan ng Silverio Compound sa Sucat, Paranaque City kahapon, Abril 23. Pero marami ang sugatang may tama ng bala, ang iba sa kanila nasa peligro pa ang buhay nang sinusulat ito.

Nakakagulat at nakakagalit ito. Pero hindi na tayo dapat magtaka. Walang maaaring magbigay-katwiran sa pamamaril sa mga residenteng bato (kahit pa sabihin na nating bote na rin) lamang ang armas para ipagtanggol ang kanilang mga bahay. Lalupa’t may negosasyon na nagaganap nang sumiklab ang pamamaril. Lalupa’t may matibay na katwiran ang mga mamamayan: May karapatan silang manatili sa kanilang mga tahanan. Walang meyor o korporasyon na tatanggal sa kanilang karapatang mamuhay nang mapayapa sa bayang ito.

Nagpunta ang mga lider-militante sa lugar ng masaker, ilang oras matapos maganap ang mga pamamaril. Basyo ng mga bala ng ripleng M16 ang kanilang nakuha. Naalala natin ang kuwento ng mga residente ng Brgy. Corazon de Jesus sa San Juan, ang komunidad na ginamitan din ng matinding pandarahas para mademolis ang kabahayan: “Papaano kami makakabili ng baril kung pagkain nga, hirap na kaming makabili.”

Simpleng internet research ang isinagawa namin: Magkano ba ang M16 sa Pilipinas? Sa isang online na bentahan, magmula P58,000 hanggang daan-daanlibo (depende sa bersiyon ng baril) madaling mabibili ito. Sabihin na nating maaaring nag-surf sa Internet ang isang maralitang residente ng Silverio at nakita niya ang mga nagbebenta ng M16. Maaaring nangutang siya sa mga kamag-anak, nagsangla ng telebisyon, appliances, alahas, para makabuo ng mga P60,000. Saka siya bumili. Kailangan pa itong iparehistro kaya may dagdag gastos pa. Posible kaya? Mayroon kayang residente ng Silverio na nakabili o nakakuha ng M16 bilang paghahanda sa magaganap na demolisyon sa kanilang bahay? Alam na natin ang sagot.

Sino nga lang ang maaaring magkaroon ng M16? Puwedeng mga rebelde, sagot ng mga pulis at ni Meyor Jun Bernabe. “Infiltrated” daw ang hanay ng mga residente. Pero babad ang midya noong araw na iyon para ikober ang demolisyon: Wala silang kuha man lang ng kahit isang infiltrator na naka-M16 o may dalang baril. Sasabihin ng mga pulis na maaaring nakatago sa mga bahay–sniper ba. Pero sa sintido tinamaan si Arnel Tolentino, 21 anyos. Ganoon kagaling ang mga rebelde?

Ang nakuhanan ng midya: Mga miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) na yunit ng Philippine National Police na namamaril matapos ang pamamato ng mga residente. Hindi warning shots na ibinabaril sa ere o sa itaas: Nakaumang sa mga residenteng namamato. Di hamak na mas malapit sila sa mga residenteng namamato, kumpara sa mga bahay na maaaring pinagtaguan ng mga “inflitrator” kuno.

Mga miyembro ng pulisya, na kadalasan nang armado tuwing may demolisyon sa mga komunidad ng mga maralita. Kuha sa EDSA, North Triangle noong Nob. 2010. (KR Guda/PW File Photo)

Mga miyembro ng pulisya, na kadalasan nang armado tuwing may demolisyon sa mga komunidad ng mga maralita. Kuha sa EDSA, North Triangle noong Nob. 2010. (KR Guda/PW File Photo)

At mahusay sa pamamaril at pag-asinta ang mga SWAT na ito: Tandaang sapul nila sa sintido rin ang hostage-taker na si Rolando Mendoza (na pulis din!) sa madugong ending ng hostage-taking sa Quirino Grandstand noong Agosto 2010 (‘Yun nga lang, pati ang maraming hostages, patay din.). Matapos ang madugong insidenteng ito, iniulat pa sa midya na nagsagawa ng retraining ang buong SWAT ng PNP.

Isang bersiyon ng ripleng M16 na ginamit ng SWAT sa pagsalakay sa mga sibilyang tutol sa demolisyon sa Brgy. Corazon de Jesus, San Juan noong Enero 2012. (KR Guda/PW File Photo)

Isang mataasna kalibre ng riple na ginamit ng SWAT sa pagsalakay sa mga sibilyang tutol sa demolisyon sa Brgy. Corazon de Jesus, San Juan noong Enero 2012. (KR Guda/PW File Photo)

Kabilang sa pinakamahuhusay na miyembro ng SWAT ang Special Action Force ng PNP, na regular na sinasanay ng iba’t ibang dayuhang eksperto, pero pangunahin ang Federal Bureau of Investigation (FBI) at ang US Armed Forces. Sinanay sila sa urban warfare, kabilang na ang pakikipaglaban sa crisis situations na katulad ng naganap sa Silverio Compound. Armado sila ng modified o updated na bersiyon ng M16 at iba pang moderno at matataas na kalibre ng baril. (May maikling amateur video sa YouTube ang isang Amerikanong opisyal hinggil sa pagsasanay sa SWAT Team sa Pilipinas.)

Hindi lamang usapin ito ng command responsibility. May direktang pananagutan ang administrasyong Aquino sa paggamit ng dahas sa mga sibilyang tumututol sa demolisyon. Kinalinga ng administrasyong ito ang patuloy na pagsasanay at pag-aarmas sa malulupit at brutal na mga yunit ng militar at pulisya na may masasamang rekord ng paglabag sa karapatang pantao.

Kasalukuyang nagaganap ang ehersisyong militar na Balikatan, hindi lang sa Palawan, kundi sa iba’t ibang bahagi ng bansa: Malinaw na abala ang mga kalahok dito sa pagpapahasa sa kasanayan nila sa paglaban sa mga itinuturing nitong kaaway ng estado. Samantala, kahit nakasuhan na, ni hindi nito maaresto ang isa sa pinakabrutal na tagapaglabag sa karapatang pantao, si Heneral Jovito Palparan Jr. Pana-panahong kalahok ang mga SWAT at SAF units sa mga operasyong kontra-insurhensiya, na mas madalas kaysa hindi na dumudulo sa mga abuso sa mga sibilyan. Kahit ang mga pulis na may pananagutan sa palpak na resolusyon sa hostage-taking sa Quirino Grandstand, hindi naparusahan.

Masdan ang mga bidyo at larawan ng miyembro ng SWAT na nag-aasinta ng mga sibilyan sa Silverio Compound: Wala siyang takot, alam niyang hindi siya pagpapanagutin. Sa ilalim ng administrasyong Aquino, standard operating procedure na lamang ang pamamaril sa mga sibilyan.

Mga militar ng US at Pilipinas sa Balikatan military exercises. (Wikimedia Commons)

Mga militar ng US at Pilipinas sa Balikatan military exercises. (Wikimedia Commons)

Freedom of Information Issues and Concerns

$
0
0
Beteranong mamamahayag at propesor na si Luis Teodoro (gitna). (UP System Information Office)

Beteranong mamamahayag at propesor na si Luis Teodoro (gitna). (UP System Information Office)

(Published by the Policy Study, Publication and Advocacy of the Center for People Empowerment in Governance, July 28, 2012)

Mr. Aquino and his allies in Congress led the campaign to remove former Chief Justice Renato Corona on, among others, charges of betrayal of public trust, with Aquino being openly and loudly critical of Corona’s bias for the past administration, against the former officials of which corruption and other charges would likely have been dismissed once they reach the Corona Court.

The Aquino thesis was that Corona was a barrier to the successful prosecution of government wrong-doers as evidenced by the Supreme Court’s decisions on a number of cases.  While Corona’s impeachment trial did not establish the validity of that argument, it did create, thanks to Corona himself, serious doubts not only about his capacity to lead the Court, but also about the entire judicial system.

Aquino et al. can rightfully take the credit for, at the very least, providing the citizens of this Republic the opportunity to see behind the pretensions of those who claim to have the moral and legal authority to pass judgment on them and the façade of respectability of a damaged and damaging court system.

Whether that system can still be fixed is an entirely different matter, and it won’t solely depend on Aquino’s choice for the next Chief Justice. The mess in the judicial system has been in the making for decades in terms of inefficiency, corruption, and most fundamentally, the dominance of judges obsessed with entitlement and power rather than with justice.

Let us grant, however, that the Corona impeachment and conviction did open the public’s eyes to the state of that system, and that the filing of charges against corrupt former officials does resonate among the citizenry as indications that Aquino’s declared campaign against corruption could be more than rhetoric.

But at odds with that perception is  the by now obvious Aquino resistance to the passage of an authentic—meaning a law that  will indeed enhance public access to information rather than restrict it–Freedom of Information act. That resistance seems based on the fear that public and media access to government-held information would compromise “national security,” and  hamper government agencies’  capacity to make and implement policy by opening those agencies and their officials to excessive public scrutiny.

These are misplaced fears based first of all on a secrecy mindset that deny the fundamental right of the citizenry to knowledge of government transactions, decision-making, and policy.  They also ignore the crucial role an informed citizenry can and has played in exposing corruption and bringing its sovereign power to bear on eliminating or at least minimizing it.

We do not have to look too far for an example, the outcome of the Corona trial itself being mostly the result of public awareness and the pro-active involvement of advocacy groups. But in the latter days of the martial law period particularly, a citizenry disempowered by the Marcos tyranny managed to acquire, through the alternative press and other sources,  the information  on corruption and human rights violations that eventually helped lead millions to mass at EDSA and oust the Marcos regime. Fifteen years later, in 2001, information on his hidden wealth also led to the removal from office of Joseph Estrada and his prosecution for plunder.

In apparent awareness of the crucial role of a public informed on what government is doing in exposing and curbing corruption, the Arroyo administration made concealment of government acts and transactions a policy through, among other tactics, its use of executive privilege to prevent the release of information damaging to it, and its Ombudsman’s restricting access to the Statements of Assets and Liabilities and Net worth of government officials.  Through a twin policy of default in prosecuting the killers while attacking journalists through libel suits and outright threats, it also so encouraged the killing of journalists it made the Ampatuan Massacre of  November 23, 2009 virtually inevitable.

Extra-judicial killings and other human rights violations in furtherance of preventing public exposure of wrong-doing also escalated during the Arroyo regime.  But largely unremarked is the connection between human rights violations, the killing of journalists, and government corruption.  Like the murder of journalists, the killing of community activists, in many cases by such state actors as the police, the military and local officials, is in the majority of cases driven by the conspirators’ need to conceal corruption and criminality.

Environmental advocates have been killed for exposing and opposing local officials’, police and military collusion with illegal logging interests. Research has established that ninety percent of the journalists killed in the Philippines since 1986 were reporting and commenting on corruption and criminal syndicates in the communities.  Journalist Marlene Esperat, for example, was killed in 2005 in Tacurong City, Sultan Kudarat for exposing the involvement of officials in the local office of the Department of Agriculture in the use of fertilizer funds in the 2004 elections.

There is a necessary connection between eradicating or minimizing corruption and citizen and news media access to information. But the press and the public can only be assured of meaningful access provided an authentic Freedom of Information act is passed in this country (which almost uniquely in Asia does not have such a law), and the culture of impunity dismantled through the successful prosecution of the killers of journalists, political activists, human rights workers and others exposing and fighting corruption whether at the national or community level.

Mr. Aquino declared the people his “boss” during his inaugural speech in 2010.  They are indeed his superiors.  Sovereignty resides in the free men and women in this alleged democracy, who have merely delegated their power to officials they themselves choose– theoretically.   But they are also the necessary actors and participants in putting an end to the corruption that, among such other factors as the gross inequality in the distribution of wealth, has hobbled this country’s capacity to rise above its problems. That Aquino and company cannot seem to understand this dooms the campaign against corruption to, at best, only limited and tentative success.

 

* (Luis V. Teodoro was Dean of the UP College of Mass Communication for two terms. He is Deputy Director of the Center for Media Freedom and Responsibility and a member of its Board of Advisers. He edits for CMFR PJR Reports, the Philippine Journalism Review, and Journalism Asia. He is also a member of the Board of Directors of CenPEG.  He writes weekly for the CMFR institutional blog In Medias Res and is a columnist for the Manila newspaper BusinessWorld. This paper was presented during CenPEG’s 4th State of the Presidency, post-SONA, July 24, 2012.)

Sa panahon ng kalamidad: Bakit ganito sila?

$
0
0

What is it about capitalism and its obsession with profit that makes people lose their humanity?

Ito ang tanong ni Prop. Judy Taguiwalo, propesor sa Unibersidad ng Pilipinas at aktibista, sa kanyang Facebook account, bilang reaksiyon sa kumalat na imahe ng mensahe ng isang kompanya ng business process outsourcing (BPO) na nakabase sa Estados Unidos (US). Sa mensaheng ito, inuutusan ng kompanya ang mga empleyado nitong call center agents sa Manila na pumasok sa opisina — sa kabila ng utos ng pamahalaan na ikansela ng pribadong mga kompanya ang pasok sa trabaho, at sa kabila ng malaganap na pagbaha sa buong Kamaynilaan.

Ito ang screenshot ng isang mensahe ng employer ng kompanyang BPO sa mga empleyado nito sa Manila. Ayon sa nagpaskil ng mensahe, "ang oras ay oras ng america, 11:43 (AM) naisend ngayong araw (Agosto 7)."

Ito ang screenshot ng isang mensahe ng employer ng kompanyang BPO sa mga empleyado nito sa Manila. Ayon sa nagpaskil ng mensahe, “ang oras ay oras ng america, 11:43 (AM) naisend ngayong araw (Agosto 7).”

6 PM UPDATES: Matapos ipaskil namin ang komentaryong ito, lumutang din sa Facebook ang screenshot ng SMS na galing diumano sa parehong kompanyang BPO. Nakumpirma naminna totoo ang text, bagamat inalis muna namin ang pangalan ng kompanya para makaiwas sa posibilidad na kasuhan ng libelo ng naturang kompanya.

Sinabi ng Business Processing Association of the Philippines (BPAP) na hinihiling nito sa Malakanyang na huwag isama ang mga kompanyang BPO sa utos nito na kanselahin ang trabaho. Sunshine industry, sa panahon ng matinding kalamidad? Bilang paghikayat sa mga empleyado nito na pumasok, may insentibong iniaalok ang mga ito.

Samantala, sinabi ng Malakanyang na hindi exempt ang call centers sa nabanggit na utos nito. Pero kasabay nito, tila Malakanyang pa mismo ang nag-aanunsiyo sa nasabing mga insentibo ng mga kompanyang BPO. Ito ang tweets ni Abigail Valte, deputy Presidential spokesperson, sa kanyang Twitter account:

Bandang alas-10 o 11 ng umaga:

At bandang alas-dos ng hapon:

* * *

Samantala, sa kabila pa rin ng ulan at baha, inanunsiyo ng mga kompanya ng langis ang pagtaas ng presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.

Nagtaas din ang ibang kompanya:

Shell: P0.80/L VPower, FuelSave Unleaded, Regular; P0.40/L Diesel; P0.30/L Kerosene eff 06:00AM Aug 7,2012

Kaya muli, maaaring tanungin: Nasaan ang humanity sa ganito? –Ed.


Trahedya ng nakararami

$
0
0
Candlelight vigil para sa estudyante ng UP Manila na kinitil ang sariling buhay matapos di-makapagbayad ng matrikula. (Instagram photo ni Carl Marc Ramota)

Candlelight vigil para sa estudyante ng UP Manila na kinitil ang sariling buhay matapos di-makapagbayad ng matrikula. (Instagram photo ni Carl Marc Ramota)

komentaryoNakakadurog ng puso ang istorya ni Kristel Tejada: 16-anyos, estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas sa Manila (UP Manila), anak ng isang taxi driver na ama at homemaker na ina. Matalino, puno ng pag-asa.

Unang taon sa kolehiyo, ikalawang semestre, nahirapang magbayad ng matrikula. Di pinayagan ng UP Manila na mag-loan. Balewala ang mahigit tatlong buwan ng pag-aaral, ang lahat ng ginastos sa baon, pamasahe, xerox ng readings, pagkain. Napilitang magsangla pa ng pag-aari ang ina, pero di na umabot sa bayaran, di na puwedeng pumasok si Kristel at napuwersa na siyang mag-leave of absence.

Ayon sa ilang ulat, nanikluhod pa raw ang ina sa harap ng UP Manila Chancellor. Hindi talaga puwede, ayon sa UP Manila, dahil polisiya ito ng pamantasan. Kailangang magbayad para makapag-aral.

Kumalat sa social media, at kalauna’y sa mainstream media, ang pagkitil ni Kristel sa sariling buhay. Sa lungkot, marahil; sa desperasyon, siguro. Gaano man kakumplikado ang sitwasyon, malinaw ang pahayag ng kanyang guro at mga magulang: Bagsak ang diwa ni Kristel, depressed siya, dahil hindi na niya matatapos ang semestre. Nakiusap pa nga sa guro niya, baka naman puwedeng mag-sit-in na lang siya sa mga klase.

Gusto niyang matuto. Gusto niyang pumasok. Ano man ang motibasyon ng pagkitil ni Kristel sa sarili niyang buhay, alam nating malaki ang pagpapahalaga niya sa pag-aaral. Matalino siya, sabi ng propesor. Tahimik lang, pero isa sa pinaka-bright niyang estudyante. Nitong huling mga linggo, humihingi sa kanya ng payo si Kristel. Ano ang gagawin niya? Wala talaga sila. Walang maipambayad. Papaano sasalubungin ng pamantasan ang kagustuhan niyang mag-aral at makapagtapos? Sinalubong siya ng memo:No Late Payment”.

Hindi nakapagtataka ang taas ng pagpapahalaga ng mga tulad ni Kristel at pamilya niya sa edukasyon. Gobyerno mismo, sa pamamagitan ng mismong sistema ng edukasyon, ang nagdikdik sa atin ng ideya na tanging sa pagtatapos ng pag-aaral aasenso ang buhay at maiaahon ang pamilya sa hirap. Edukasyon ang pag-asa. Edukasyon ang solusyon sa kahirapan.

Kaya di nakapagtatakang itinataya ng maraming maralitang pamilya ang lahat ng pera at rekursong kaya nilang itaya para sa edukasyon, para sa kolehiyo. Panganay pa naman siya. Sa ating kultura, sa panganay (o sa pinakamatalino) madalas itaya ang rekurso ng pamilya dahil siya ang may pinakamalaking tsansang makatulong sa pag-ahon ng pamilya matapos ang kolehiyo at makakuha ng magandang trabaho.

Malamang, ipagmamalaki ng pamilya na nakapasok si Kristel ng UP. Ipinagmalaki ito sa lahat ng kaanak at kapitbahay. Sa wakas, may pag-asa na sila.

Pero nag-iiba na ang UP. Sa pagtutulak ng magkakasunod na mga administrasyon ng gobyerno na gawing mas “independiyente ang pinansiya” ng UP, unti-unting tumaas ang matrikula rito. Mula P40 kada yunit bago 1989 hanggang P1,500 ngayon. Kasabay din nito, ang presyur ng kulturang kolehiyo: ang pakikipagsabayan sa pananamit, kagamitan (gaheto pa nga), kagawian.

Sabi ng proposer niya, “sobrang nahiya na siya” sa mga kaklase noong huling mga linggo ng pagpasok niya. Nahihiya siyang pumapasok siya pero hindi niya kayang magbayad ng matrikula.

* * *

Nakakadurog ng puso, dahil walang kasinglinaw ang halimbawa niya, na isang di-makatarungang sistema ng edukasyon ang ipinapatupad ngayon sa bansa.

Ano mang paghuhugas-kamay ang gawin sa publiko ng Commission on Higher Education – na kesyo may sariling kapasyahan ang bawat state university na magtakda ng mga polisiya kaugnay ng matrikula – hindi maitatanggi na may pananagutan sila sa sinapit ng estudyanteng ito. Hindi ba’t matagal nang itinutulak ng CHED at ng administrasyon ni Benigno Aquino III ang taun-taong pagkaltas sa badyet ng state colleges and universities, para maging “self-sufficient”? Hindi ba’t matagal nang adbokasiya ni Aquino ang neoliberal na oryentasyon sa sistema ng edukasyon – ang pagpasok ng market forces sa sistemang ito para maging mas episyente raw?

Hindi ba’t pinangangasiwaan niya ngayon ang pagpapatupad ng plano ng pagsasapribado ng iba’t ibang pampublikong serbisyo, mula sa ilang ahensiya ng gobyerno tulad ng National Food Authority, hanggang sa pampublikong mga ospital tulad ng Philippine Orthopedic Center?

Hindi mahirap sabihing may pananagutan ang pambansang administrasyon ni  Aquino sa nangyari kay Kristel. Ina na mismo niya ang nagsabi. Higit pa rito, direktang resulta ng mga polisiya niya – hindi lang ng polisiya ng UP Manila, bagamat may malaki silang pananagutan – ang pagkait ng pagkakataon sa mga tulad ni Kristel na makapag-aral sa UP at iba pang state university.

Mistulang itinutulak ng gobyerno ang bawat maralitang kabataan sa sitwasyon ni Kristel: Buong buhay paniniwalain na tanging sa edukasyon lang sila aahon sa hirap, pero brutal na ipagkakait ang edukasyon sa kanila kapag malapit na nila itong maabot. Maraming marami sila na mga katulad ni Kristel.

* * *

Tsuper daw ng taksi ang tatay ni Kristel. Magkano na ba ang kinikita ng tsuper ng taksi ngayon sa pang-araw-araw na trabaho? Iba-iba, marahil, pero siguradong hindi nito kakayanin ang matrikulang P1,500 kada yunit sa bawat semestre. Kahit mag-isa pa siyang pinag-aaral, at hindi lima (lima silang magkakapatid nina Kristel).

Gobyerno rin ang kalaban ng tatay ni Kristel – sa usapin lalo ng pagtaas ng presyo ng langis. Tulad ng paghugas-kamay ng CHED, hugas-kamay din ang lahat ng ahensiya ng gobyerno tuwing may magtatanong sa publiko kung sino ang dapat managot sa walang habas na taas-presyo ng langis at oil overpricing. Wala raw magagawa, dahil may Oil Deregulation Law, dahil wala nang kapangyarihan ang gobyerno na kontrolin ang presyo o kahit silipin man lang sa mga kompanya ng langis kung may batayan talaga ang taas-presyo.

Samantala, nag-anunsiyo na ang Meralco na magtataas ito ng singil sa kuryente. Gusto na ring magtaas ng singil ng Maynilad at Manila Water. Pati pamasahe sa LRT at MRT (Taga-Tayuman daw sina Kristel, kaya malamang na sumasakay din siya ng LRT papuntang UP Manila.).

Pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin, pagsasapribado ng mga serbisyo tulad ng edukasyon at kalusugan – malinaw na magkakaugnay ang mga isyung ito. Malinaw na may ugnay sa trahedya ng isang kabataang estudyanteng tulad ni Kristel.

Sa pagtatapos, isa pang totoong kuwento, na patunay sa puntong ito:

Isang kaibigan ang nakasakay sa isang taksi isang umaga noong nakaraang buwan. Pansin niya, namumugto ang mata ng drayber.

Tinanong niya kung ano ang problema ng drayber. Galing lang daw kasi siya sa ospital. Tinawagan siya ng kanyang kapitbahay sa cellphone. Tumakbo raw siya sa ganitong pampublikong ospital kasi na­-hit-and-run ang asawa niya at dalawang anak. Nasa traysikel ang mag-iina, papuntang eskuwela.

Dead on arrival ang bunso niyang anak. Agaw-buhay ang kanyang asawa at isa pang anak. Sabi sa kanya ng nars, may kailangang bayaran. May mga gamot na kailangang bilhin. Hindi libre rito ang pagpapagamot. Nagsisimula pa lang siya sa pasada, kaya wala pa masyadong kita.  Kailangan niyang ituloy ang pasada. Walang panahong magluksa sa namatay na anak. Kailangang magpasada para kumita. Lumiliit ang kita kaya kailangang magpursigi pa.

Pinipilit niyang pigilan ang pagluha habang kinukuwento ito. Mahirap daw kasi magmaneho kung puno ng luha ang mata mo.

Trahedya ito ng nakararami sa atin. May kailangang tayong gawin.

May ulat ni Pher Pasion

Uhaw

$
0
0

komentaryo“Tubig kayo d’yan! Tubig, sampung piso lang! Tubig!” Nakakauhaw noong araw na ‘yon.

Nagkaroon ng kahulugan ang salitang “pagkakaisa” sa akin noong Mayo Uno–pagkakaisang masasabi kong totoo, tunay at hindi lamang palabas. Marahil, ang iba’y sumasang-ayon dito at ang iba nama’y hindi. Pero sa oras na naitapak mo na ang mga paa mo at ginugol mo ang buong araw mo sa pakikinig at pag-intindi sa bawat hinaing, marahil mapapaisip ka at masasabi mo: “Kung ang ibang taong nakakaangat, nasasabing mahirap ang buhay sa Pilipinas, paano pa kaya ang mga manggagawang salat sa buhay at hindi alam kung paano pagkakasyahin ang kakarampot na kinikita sa loob ng isang araw?”

Nang araw na iyon, bawat pagsigaw, pagwagayway ng bandila, pagpatak ng pawis, pagsakit ng mga binti ay nagkaroon ng silbi. Katulad ng aking sinabi, ang bawat isang manggagawa ay nagkaisa. Hindi biro ang lumakad sa ilalim ng araw na mistulang mga itlog na piniprito sa tindi ng sikat nito at buga ng init. Pero hindi ito ininda ng bawat taong nakilahok sa rali. Hindi ito ininda, dahil sa aking pagkakaintindi, may iisa silang layunin. At hindi ito layuning makasarili. Kung iisipin, layunin itong masasabing tama lang.

Naging saksi ako sa hirap at tapang ng bawat taong nandoon upang bigyang pansin at iparating ang problema ng bawat isa. Sinimulan ng mainit na pagsuporta ng iba’t ibang organisasyon ng manggagawa at simbahan ang selebrasyon ng Labor Day o Araw ng Paggawa. Pagkatapos, nagkaroon ng Solidarity Lunch sa tapat ng Quiapo Church, matapos ang misang pinangunahan ni Cardinal Tagle na alay sa mga manggagawa. Matapos ito ay isa-isa nang nagdatingan ang mga manggagawa mula sa iba’t ibang lugar para magmartsa patungong Liwasang Bonifacio. Sa lugar na ito naganap ang isang programa. Kinahapunan, tinahak nila ang kahabaan ng Maynila papuntang Mendiola.

Nakapanayam ko noong araw na iyon si Joms Salvador, ang secretary-general ng Gabriela. Ang sabi niya, sa panahon ngayon na patuloy ang kahirapan at patuloy ang pagtaas ng presyo ng bilihin, saan kukunin ng mga manggagawa, lalo na ang maliliit na manggagawa ang pantustos sa araw-araw kung hindi sapat ang suweldong naibibigay? Ang presyo ng bilihin ay pataas nang pataas. Kailan kaya tataas ang suweldong tinatanggap? Sa isip ko, naglalaro ang mga katagang “Oo nga.”

Oo, naging mahaba, matagal at nakakapagod ang araw na iyon. Pero kung iisipin, mahaba, matagal at nakakapagod na rin ang paghihintay ng mga manggagawa para sa hinihinging kaunting pagtaas ng sahod. Sa kabila nito’y patuloy pa rin silang lumalaban. Marahil ang iba, sasabihing ano kaya ang mapapala nila sa ginagawa nila. Pero hindi rin. Paano kung ito na lang ang magagawa nila, ang iparating ang boses ng bawat isang mamamayan na patuloy ang pagkayod sa kabila ng hindi sapat na sahod?

Nakakauhaw ang araw na iyon sa sobrang tindi ng sikat ng araw, at sa pagod na mararamdaman mo sa maghapong pagtayo at paglakad. Siguradong kumita ang mga nagtitinda ng inumin. Pero sa kabilang banda, naparating kaya ng mga manggagawa ang kanilang mensahe, may nakadama kaya ng uhaw na matagal na nilang nararamdaman?

Si Christine Kaye P. Javier, na intern ngayong summer sa Pinoy Weekly, ay estudyante sa Unibersidad ng Pilipinas sa Baguio City.

‘Rebolusyonaryong’ Santo Papa?

$
0
0
Kumakalat ngayon sa social media ang larawang ito ni Pope Francis kasama ang isang Gustavo Vera ng No Chains at La Alameda Argentina. Hawak nila ang isang t-short mula sa No Chains na kampanya na dinisenyo ni Andrew Florentino ng progresibong grupo ng mga artista na Ugatlahi Artist Collective.

Kumakalat ngayon sa social media ang larawang ito ni Pope Francis kasama ang isang Gustavo Vera ng No Chains at La Alameda Argentina. Hawak nila ang isang t-shirt mula sa No Chains na kampanya na dinisenyo ni Andrew Florentino ng progresibong grupo ng mga artista na Ugatlahi Artist Collective.’

Slumdog Papacy?

Matapang, radikal, at — para sa mga konserbatibo sa loob at labas ng Simbahang Katoliko — nakakagulat, ang mga salitang binitawan ni Pope Francis, o sinipi sa kanya ng midya, bago at sa mismong pagbisita niya sa bansang Brazil kamakailan. Ito ang unang papal visit ng bagong Santo Papa sa labas ng Roma, at marami ang nag-abang sa sasabihin niya. Lalo pa’t naging laman ng balita ang bansang bibisitahin niya dahil sa serye ng dambuhalang mga protesta kontra sa neoliberal na mga polisiyang nagpapahirap sa mga mamamayan ng Brazil.

Noong nakaraang linggo, ibinalita ng Wall Street Journal ito: ang paghayag ni Pope Francis ng pag-aalala sa malawakang disimpleyo sa kabataang manggagawa. Sabi niya, sa wikang Ingles: “May panganib na magkaroon tayo ng isang henerasyon na walang trabaho. Nakukuha ang personal na dignidad mula sa pagtrabaho,” sabi umano niya. Hindi man tuwirang sinabi ng Santo Papa (o hindi binanggit sa ulat ng WSJ), pero mistulang kritika ito sa malawakan, pandaigdigan at kapitalistang praktika ng kontraktuwalisasyon sa paggawa. Sabi sa ulat ng WSJ, binatikos ni Pope Francis ang mga merkado sa paggawa dahil itinuturing nitong disposable ang lakas-paggawa ng kabataan.

Nitong huling mga araw, pareho pa rin ang naging tono ng pampublikong mga pahayag ng Santo Papa. Kaalinsabay ng World Youth Day na nagaganap sa Brazil, sa unang araw niya sa naturang bansa, sinabi niya ito (sa wikang Ingles, salin ng manunulat):

“Kayo, minamahal kong kabataan, ang may taglay ng espesyal na sensitibidad (sensitivity), pero madalas kayong mawalan ng gana sa mga balita tungkol sa korupsiyon ng mga tao na naghahanap ng sariling ganansiya sa halip na naghahangad ng kabutihan ng karamihan…Huwag kayong hinaan ng loob; huwag kayong mawalan ng pag-asa. Maaaring magbago ang reyalidad…

“Walang sinumang kayang manatiling manhid sa kawalan-ng-pagkakapantay-pantay sa mundo. Walang tumatagal na pagtatag-ng-kapayapaan (peace-building), at walang nakakamit na pagkakasundo at kaligayahan, sa isang lipunang pinababayaan, isinasantabi o nagtatangi sa isang bahagi ng lipunang ito.”

Coverage ng US corporate media sa bisita ni Pope Francis sa Brazil

Coverage ng US corporate media sa bisita ni Pope Francis sa Brazil

Maaaring sabihin ng ilan na umaangkop lamang ang Santo Papa sa reyalidad ng bansang binibisita. Rebelyon ang tenor ng kabataan sa Brazil, at sa kanyang mga pahayag (ayon sa ulat na ito), mistulang hinimok pa niyang “magrebelde” ang kabataan. Siyempre, sa konteksto ito ng “pagpapalaganap ng mensahe ng Panginoon,” pero madalas na niyang idinidiin ang mensaheng ito ay ang pagyakap sa mahihirap at inaapi. At hindi lamang sa salita niya inihayag ang mensaheng ito: Iniulat sa midya ang pagbisita niya sa favelas, o slum areas (kung sa Pilipinas, informal settlements o squatter areas) sa unang araw ng kanyang pagdating sa Rio de Janeiro. Kahit ang popular na Santo Papa na si John Paul II, sa dalawang beses na bisita niya sa Pilipinas, hindi nakatuntong sa Smokey Mountain, Tondo, o ano mang lugar ng mga maralita sa bansang ito.

At kung hindi pa kayo kumbinsido sa tapang ng kasalukuyang lider-relihiyoso ng Simbahang Katoliko, pansinin na rin ang mga pahayag ni Francis noong nagbukas ang kongreso ng Diocese of Rome, halos dalawang linggo na ang nakararaan. Sa kanyang talumpati (na hindi inihanda, sabi ng isang Katolikong website), ilang beses niyang binanggit ang salitang “rebolusyon”. Sa konteksto ito ng paglulunsad ng “rebolusyon” ni Hesus para ipalaganap ang kanyang mensahe ng pag-ibig sa sangkatauhan. Pero binigyan-diin muli ni Pope Francis na ang mensaheng ito ay ang pakikipagkaisa at pagyakap sa mahihirap.

Malinaw na may kakaiba sa bagong Santo Papa: mas matapang sa paghayag ng opinyon sa itinuturing niyang mga problema ng lipunan, mas bukas sa pagbabago (bagamat malayo pa bago maging “bukas” sa maraming kontrobersiyal na isyu), mas pulitikal. Hitik ang kasaysayan ng simbahang Katoliko ng apostoles nito na bumaba sa kanilang pulpito para makilahok sa aktuwal na panlipunang mga pagbabago. Nariyan, siyempre, ang arsobispo ng El Salvador na si Arsobispo Oscar Romero, na nagsalita kontra sa mga paglabag sa karapatang pantao noong dekada ’70 sa kanyang bansa, at pinaslang dahil dito. Naging tanyag na progresibong manunulat at rebolusyonaryo ang Katolikong pari sa Nicaragua na si Ernesto Cardenal. Sa Latina Amerika naging tanyag ang “liberation theology” na kinakatawan ng mga tulad nina Romero at Cardenal, at mga tagasuporta nila sa loob ng simbahan.

Pero di hamak na mas malakas at mas marami ang mga konserbatibo (suportado, at sinusuportahan, ng malalaking negosyo at kapitalistang mga gobyerno) sa loob ng Simbahang Katoliko. Isa sa maraming matingkad na halimbawa ng pagsuporta ng mga pinuno ng simbahan sa mapanupil na mga rehimen ang sinasabing pagsuporta nito–o kahit pa sabihing pag-kibit-balikat nito–sa rehimeng Nazi sa Germany at Europa noong Ikalawang Digmaang Pangdaigdig (Panoorin ang pelikulang “Amen” ng progresibong direktor ng pelikula na si Costa-Gavras). Hanggang ngayon, makapangyarihan ang mga puwersa ng reaksiyon at konserbatismo sa loob ng simbahan.

Sa gitna ng kalagayang ito ng Simbahang Katoliko, natutuwa ang maraming progresibo sa mga pahayag ng kasalukuyang Santo Papa. Sa maraming pagkakataon, tumiwalag siya sa mga protocol, umiwas sa nakagawiang praktika ng mga nauna sa kanya, para ipakita na maka-mahihirap siya, na bukas siya sa pagbabago (kahit hindi pa sa lahat ng kailangang pagbabago). Maaaring public relations na hakbang lamang ito, para bumawi ang simbahan mula sa katakut-takot na mga kontrobersiya, mula korupsiyon hanggang sex scandals, na kinasangkutan nito. Maaari rin naman na, sa wakas, natatangay na ng hangin ng pagbabago ang simbahan. Maaaring sinsero ang Santo Papa sa lumalalang kahirapan at pagsasamantala sa bansa–pero hindi pa siya handang yakapin ang radikal na pagbabagong itinutulak ng mga liberation theologian.

Anu’t ano man, dapat kaisa tayo sa pagbibigay-pugay sa mga pahayag at aksiyon ni Pope Francis. Kailangang kailangan ng mga naghihirap at inaaping mamamayan ng mundo ang boses at pakikilahok niya.

Bidyo ng alternative media group sa US na Democracy Now! hinggil sa pasismo sa loob ng Simbahang Katoliko, matapos magbitiw sa papacy si Pope Benedict XVI.

Mga biro sa social media kaugnay ng ‘pagsuko’ ni Napoles

Pulitika ng kalamidad

$
0
0
Mapa ng Maribojoc, Bohol, isa sa mga bayan na matinding naapektuhan ng lindol. (Google Maps)

Mapa ng Maribojoc, Bohol, isa sa mga bayan na matinding naapektuhan ng lindol. (Google Maps)

Sometimes it takes a natural disaster to reveal a social disaster,” sabi ni Jim Wallis, isang manunulat at political activist, matapos ang mapaminsalang pagsalanta ng Hurricane Katrina sa Estados Unidos noong 2005.

Nataguriang pinakamaunlad na bansa ang Estados Unidos, pero umabot sa kalagayang krisis ang mga mamamayan dahil sa kawalan ng maayos na sistema ng pagtugon ng gobyerno. Samantala, gaya ng Estados Unidos, sinalanta rin ni Katrina ang bansang Cuba. Pero wala itong naitalang casualty at nailikas nang maaga ang mga Cubano.

Sa konteksto ng Pilipinas, halos buwan-buwan may kalamidad. Tuwing may kalamidad, kalunus-lunos ang mga imahe ng mga biktima. Marami rito ang imahe ng mga batang pinapakitang nagmamalimos, nakahilera sa kalsada, hinahabol ang anumang sasakyang mapadaan, nagbabaka-sakaling maabutan ng tulong.

Pero tila hindi nga natututo ang mga namumuno, dahil laging lantad pa rin ang kabagalan sa pagresponde sa mga biktima. Sa nagdaang mga taon, laging “caught flat footed” ang gobyerno kahit pa sabihin nitong handa ito sa anumang kalamidad. Ito ang malaking problemang sinusuong natin sa panahon ng kalamidad: kung paano ang tamang pagtugon sa mga biktima.

Nitong nakaraang linggo lamang, matapos ang lindol sa Bohol at Cebu, muling tumambad sa telebisyon ang imahe ng mga biktimang halos mamalimos na, at nagkakasya sa tagpi-tagping lona’t trapal para may masilungan sa open spaces. Takot sila na maulit ang pagguho ng mga bahay dahil na rin sa sunud-sunod pang mga aftershock. Muli ring nalantad ang mabagal na aksiyon ng gobyerno, at nagbunga pa nga ng kontrobersiya nang paalisin daw ni Mayor Leoncio Evasco, Jr. ng bayan ng Maribojoc ang isang grupo ng Red Cross sa pangunguna ni Richard Gordon.

Maribojon Mayor Leoncio Evasco Jr.

Maribojon Mayor Leoncio Evasco Jr.

Bakit nga ba laging may mga kontrobersiya sa pamamahagi ng relief goods? Ang malaking kasagutan: pulitika!

Babaybayin natin ang pangyayari sa kontrobersiya sa Maribojoc, batay na rin sa mga ulat sa midya at diskusyon ng netizens sa social media. Pinaalis ng meyor ang grupo dahil nais daw nitong makopo ang relief goods. Kesyo papogi ito ni Mayor Evasco at nais gamitin sa eleksiyon ang relief goods, at tinutulan ito ng mga taga-Red Cross. Nais diumano ng Red Cross na direkta sa tao ang pamimigay kaya istrikto sila sa kanilang guidelines dahil sa accountability sa kanilang donors.

Sa kabilang banda, depensa naman ni Evasco na nais lamang niyang sistematiko at organisado ang distribusyon: maipamahagi ang relief goods nang pantay-pantay sa lahat ng kanyang constituents sa mga barangay sa sentro man o maging sa mga liblib na lugar. Pinapatupad nila ang sentralisadong pamamahagi. Wala rin siyang planong gamitin ang pagkakataon para sa kanyang political ambition dahil huling termino na niya. (Sa pananaliksik ko sa karera niya, nanalo siya sa nakaraang eleksiyon na unopposed o walang kalaban). Marahil ang tanging pagkakamali ni Evasco ay ang pagtaboy niya sa grupo ng Red Cross at tila nakalimutan niyang siya ay isang elected public official.

Sa panahon ngayon, hindi maganda ang tingin sa mga pulitiko, laluna at putok na putok ang usapin ng korupsiyon sa gobyerno kasabay ng matagal nang karanasan ng lahat sa maraming pulitiko na nananamantala sa kalamidad para lamang makapagpapogi.

Parehong tama ang posisyon ng dalawang grupo: ang kagyat na makatulong sa mga kababayan natin sa Maribojoc. Walang masama sa sentralisado at organisadong distribusyon na nais ni Mayor; wala ring problema kung nais idirekta ng Red Cross ang kanilang tulong, at hindi ito dapat maging magkasalungat.

Nagkaroon ng problema nang nagmatigas ang Red Cross na ito ang dapat mamamahagi at isinantabi na ang katotohanan na lokal na opisyales o lokal na pangmasang mga organisasyon, kung mayroon sa lugar, ang siyang nakakaalam kung sinu-sino ang dapat na mabigyan ng tulong. Sa panahong may kalamidad at nagkakagulo pa ang lahat sa pagharap sa mga nasalanta hindi kagyat na kailangan ang anumang listahan ng mga benepisyaryo.

Sa gitna ng kontrobersiyang ito, mahahalata at nakapagtataka ang grabeng pagbatikos ng midya sa ginawa ni Evasco, lalo na ang naglalakihang media outlet na may sariling mga foundation. Pareho ang kanilang argumento sa Red Cross: may pananagutan umano sila sa kanilang donors. Pero ang iniiwasan nilang talakayin ay ang tanong na kung tama ba ang centralized, organized and equal distribution. O baka gusto lang din nilang magpapogi sa kanilang donors? Sa lawak ng nasalanta at daming biktima, hindi na siguro magtatanong ang donors kung saan napunta ang barya-baryang hinuhulog sa mga lata ng Red Cross sa bawat estasyon ng MRT at LRT, at sa mga tindahan sa malalaking malls.

Ang malaking katanungan naman sa mga mainstream media – inalam ba nila ang buong katotohanan sa nangyari bago nila “ipinako sa krus” si Mayor Evasco? Posible rin kaya na may pansariling interes din ang mga midyang ito sa kanilang pag-uulat at pumaypay sa arbitraryong pagbatikos ng netizens? Nakausap ba ng mga midya ito ang mga taong nakasaksi sa aktuwal na pangyayari? Dahil mayroon din namang kaibang sentimyento na lumalabas social media.

May dapat bang sisihin sa kontrobersiya o mga kontrobersiya tuwing may kalamidad? Maaaring maiwasan ang mga ito kung handa ang gobyerno mula sa nasyunal hanggang sa lokal na antas. Kasama na rin ang mga ahensiya ng gobyernong pangunahing trabaho ang pagtugon sa mga biktima. Kaso, ang nangyayari, laging huli at mabagal ang pagtugon. Kahit pa sabihin ngayon na on top of the situation ang gobyerno, hindi maikakaila na ilang araw na ang lumipas bago relatibong naisaayos ang tugon sa mga nasalanta.

Kadalasan, totoong ang unang nakakapagbigay ng tulong ay ang mga pribadong charitable institution at mga mga indibidwal na nais makapagbigay ng agarang tulong. Taliwas ito sa inaasahan na ang gobyerno ang pangunahing dapat na tumutugon sa pangangailangan ng bawat mamamayang nasalanta upang makaagapay sa muling pagbangon. Napupunta ang responsibilidad na ito sa mga pribadong institusyong nagbibigay tulong at sa kalaunan ay siyang nagiging makapangyarihan dahil hawak nila ang life support para makatawid ang mga biktima. Sa ganitong kalakaran, itinutulak o sinusuhayan ng gobyerno ang culture of mendicancy, na aasa na lamang ang masang biktima sa tulong ng mga pribadong ahensiya sa loob man o labas ng bansa.

Sa usaping ito, naging kahanga-hanga ang paninindigan ni Mayor Evasco.

(Larawan din ang kontrobersiya sa Bohol ang ipinamamarali ng mga pulitiko na kailangan nila ang pork barrel para sa mga mahihirap at para sa pagtugon sa mga kalamidad. Kaya sa tuwing may kalamidad, asahan na may magsasamantala sa mga biktima na mga trapo at mga taong may ambisyon na nagtatago sa tsapa ng mga ahensiyang nagbibigay tulong.)

Progressive groups’ statement of sympathy and action for victims of typhoon Yolanda

$
0
0

KPPM logoProgressive groups mark November 13 as “International Day of Solidarity and Action” for the victims of Yolanda. Below is their statement:

The Koalisyon ng Progresibong Manggagawa at Mamamayan (KPMM) extends its heartfelt sympathies to millions of our countrymen who are victims and survivors of Typhoon Yolanda, one of the world’s strongest typhoons that ravaged several areas in Eastern, Central and Western Visayas, and Southern Luzon. We also extend our deepest condolences to those who have already lost their loved ones, and wish continued strength upon those who are still searching for their missing kin while struggling to survive the harsh conditions that they are forced to endure during this period.

Our mass organizations of the urban poor, workers, women, overseas Filipinos and their families, youth, and government employees are mobilizing its members and allies, nationally andinternationally, to assist in the ongoing relief operations for the victims of super typhoon Yolanda.The organized masses are acting swiftly to gather help and extend solidarity to their fellow poor and oppressed, who are always the hardest hit by natural disasters. It is heartbreaking that the typhoon wreaked havoc on the lives and livelihoods of families living in some of the poorest provinces in the country, which have long been neglected by the national government.

We call on Pres. Benigno Aquino III to utilize funds at his disposal for the immediate rescue and relief of typhoon victims. It is alarming that victims are being deprived of the basic needs for survival, such as potable water and food. It is alarming that the plight of thousands of Filipinos in many typhoon-ravaged villages still remain unknown, days after the typhoon.

On the other hand, we are enraged that President Aquino had the temerity to address the nation before th typhoon to boast that the government is expecting zero casualties as it is prepared to deal with the calamity.Obviously, it was all just empty rhetoric meant to divert public attention away from the pork barrel scandal rocking his administration. We remain steadfast that calamities like these should not be used to justify and retain the PDAF and DAP.  The important thing is to release the resources of government NOW.

Today, dead bodies are piling up fast, and the government is slow to even acknowledge this fact and tries in vain to downplay the casualty count.Obviously little of our resources were used to safely evacuate our countrymen and ensure that they have the basic necessities for survival. Shamefaced, Aquino has tried to place the blame elsewhere, and has shown only how his government is ill-prepared to face this increasingly desperate post-typhoon scenario.

We mark November 13 as the International Day of Solidarity and Action for the victims of Yolanda. We will hold candle-lighting ceremonies, relief drives, and solidarity actions for the victims of Yolanda. We warn the Aquino government not to abuse or misuse public funds intended for the victims. It is not unlikely that government officials, from the national to the local level, will use this calamity as yet another opportunity for corruption. As we are mourning and assisting the victims, we are also wary and vigilant against this rotten and utterly disastrous system of governance.

The Koalisyon ng Progresibong Manggagawa at Mamamayan (KPMM) is an alliance of different mass organizations such as organizations of workers, women, youth and students, government employees, migrant workers and their families, and the urban poor. Here are some of their calls for relief and assistance:

lingap gabriela

 

tulong kabataan

Online libel: A tool of repression ready for use

$
0
0

no to cybercrime law memeStatement of PinoyMedia Center on the Supreme Court ruling on the Cybercrime Prevention Act

With the decision to uphold the Cybercrime Prevention Act and its provision on online libel as constitutional, the Supreme Court and the Aquino administration have dealt one of the most serious blows to press freedom and freedom of expression of the Filipino people.

As a media institution committed to fully democratizing the practice of journalism to include the voices of the most marginalized sectors of society, PinoyMedia Center is one with journalists and citizens who continue to oppose the Cybercrime Act.  Online libel under the Cybercrime Act  is but the latest addition to the ruling elite’s growing arsenal of tools with which to silence criticism and suppress dissent.

It must not be forgotten that repression has always been the intent of politicians who crafted and passed the law, and of the president who signed it in the most hasty and non-transparent manner. It must not be forgotten that Filipinos just woke up one day in the grip of this draconian law; and while due to our collective show of outrage and resistance the court struck down certain provisions that most brazenly assault our democratic rights (such as the power to take down websites, real-time collection of traffic data), the law remains as undemocratic as the institutions that made it.

More than any other provision in the Cybercrime Act, it is online libel that actually defines the law.  The decision to uphold libel as a criminal offense, and to provide even stricter penalties for online libel (from a minimum of six months imprisonment under the Revised Penal Code, to a minimum of six years under the Cybercrime Act) is more than enough reason to continue to oppose the said law.

Relative to traditional media, the new media has been a freer space for independent journalists and ordinary citizens. The threat of online libel now produces a “chilling effect” not only among journalists, but also among citizens who have as much as a right to report facts and express their views freely. It makes marginalized sectors who often take their advocacies to the internet even more vulnerable to harassment by those in power. Historically, libel has always been used to harass and intimidate journalists; now it can be used against anyone who chooses to share their knowledge or opinion online.

By criminalizing free speech and expression, the Cybercrime Act  attempts to draw our attention away from the real criminals lurking among those in power. But it will never succeed in doing so. More must be done to oppose this law and criminal online libel as tools of repression now ready for use.

PinoyMedia Center is a non-profit media organization that is the publisher of Pinoy Weekly. It is part of the #NoToCybercrimeLaw Alliance, an alliance of journalists and citizens opposed to the said law in defense of press freedom and freedom of expression.


Hindi ‘depensibo’ ang panghihimasok ng militar nila

$
0
0
May malungkot na kasaysayan ng panghihimasok ang militar ng US sa Timog Silangang Asya. Nasa larawan, mula kaliwa: Vietnam Pres. Nguyen Minh Triet, US Pres. Barack Obama, at Pang. Benigno Aquino III, sa  New York, USA noong 2010. <strong>Malacanang Photo Bureau</strong>

May malungkot na kasaysayan ng panghihimasok ang militar ng US sa Timog Silangang Asya. Nasa larawan, mula kaliwa: Vietnam Pres. Nguyen Minh Triet, US Pres. Barack Obama, at Pang. Benigno Aquino III, sa New York, USA noong 2010. Nasa likod ng tatlong lider ang mga watawat ng mga bansa sa Timog Silangang Asya. Malacanang Photo Bureau

Otsenta porsiyento na raw na tapos ang “Agreement on Enhanced Defense Cooperation,” sabi ni Foreign Affairs Undersec. Pio Lorenzo Batino. Tiyak na minamadali nila ito—bago dumating sa bansa, sa huling linggo ng Abril, si US Pres. Barack Obama. Batay sa mga ulat sa midya, highlight ng bagong kasunduang militar ng mga gobyerno ng Pilipinas at US ang karapatang magbase ng Amerikanong militar sa mga base ng Pilipinas sa buong bansa. Ito lang ang pinakahuli sa mahigit isang siglo na pagkakayupapa ng mga administrasyong Pilipino sa pampulitikang kapangyarihan ng US.

Araw-araw, sa balita sa midya, sinasalaksak sa ating kamalayan: May banta ng pananakop ng bansang China, nambabraso ito para makuha ang mga isla ng Spratly at iba pang teritoryo sa West Philippine Sea (South China Sea). Sa kabila nito, nariyan ang US, na muling nag-aastang pandaigdigang pulis, namamagitan at magsisilbi raw na deterrent (pangontra) sa mapagbantang presensiya ng China.

Madaling paniwalaan ito—kung mangmang tayo sa kasaysayan. Batay sa mga komento sa social media at mainstream media, mula sa mga barberya sa kanto hanggang sa airconditioned na network studios, masasabing marami nga ang naniniwala. Pero tila sinasadyang di-binabanggit sa mga talastasang ito kahit ang kasalukuyang rekord ng militar ng US, sa Latin Amerika, Aprika at Gitnang Silangan—ang rekord ng malawakang paglabag sa karapatang pantao, lantarang pagpasok ng mga kompanyang Kano sa mga lugar na ito para pagsamantalahan ang likas na yaman dito (sa kaso ng Gitnang Silangan, ang langis sa Iraq, Lybia, atbp.).

Sa Timog Silangang Asya, sa ating bahaging ito ng mundo, madalang nang mabanggit ang giyera sa Vietnam.

Mapa ng Gulf of Tonkin at South China Sea (West Philippine Sea). <strong>Wikimedia Commons</strong>

Mapa ng Gulf of Tonkin at South China Sea (West Philippine Sea). Wikimedia Commons

Madalang nang mabanggit ang tinaguriang Gulf of Tonkin Incident, ang kaganapang naging mitsa ng madugong giyera ng Amerika sa Vietnam na kumitil sa buhay ng aabot sa 2,000,000 sibilyang Biyetnames at nagwasak sa kabuhayan ng di-mabilang na mga sibilyan sa buong Timog Silangang Asya.

Ang insidenteng ito ay naganap sa Gulf of Tonkin, na katawan ng dagat na karatig ng North Vietnam at China, at di-kalayuan sa West Philippine Sea / South China Sea. Halos 50 taon na ang nakararaan, noong Agosto 2, 1964, inatake ng barkong militar ng US na USS Maddox  ang tatlong torpedo boats ng North Vietnamese Navy. Pinalabas ni US Pres. Lyndon Johnson na inatake ng naturang torpedo boats ang USS Maddox—kahit na malinaw na nasa teritoryo ng North Vietnam ang naturang barkong Kano. Dalawang araw matapos ito, muling nag-anunsiyo si Johnson na inatake ito ng mga North Vietnamese na barko—kahit na lumabas mula sa na-declassify na mga dokumento ng National Security Agency ng US na gawa-gawa lamang ng USS Maddox ang naturang insidente. Ito ang naging hudyat ng Vietnam War, ang di-deklaradong giyera ng US sa mga mamamayan ng Vietnam.

Pinagsimulan ng madugong Vietnman War ang tinaguriang Gulf of Tonkin Resolution, na ipinasa sa US Congress matapos ang pekeng insidente sa naturang golpo. Sabi sa resolusyong ito, maaaring magsagawa ng mga aksiyong militar ang US sa Timog Silangang Asya batay sa kasunduan nito sa mga bansa sa rehiyon, ang Southeast Asian Collective Defense Treaty na nilagdaan sa Manila, Pilipinas noong 1954.

Layunin ng naturang tratado sa depensa ang “containment” o pagpigil sa paglawak umano ng impluwensiya ng Komunismo sa Timog Silangang Asya, batay sa teorya ng US na domino effect (kapag “bumagsak” sa Komunismo ang isang bansa sa rehiyon, magtutuluy-tuloy ito sa katabing mga bansa).

“Pagdepensa sa rehiyon” ang mismong katagang ginamit ni Johnson noon, para bigyang katwiran ang pananalakay sa Vietnam. Ganito rin ang lengguwaheng gamit ng mga opisyal ng administrasyong Obama: pagpigil sa paglawak ng impluwensiya ng China ang dahilan kung bakit may polisiya itong “US pivot” (o pagpokus ng mayorya ng militar nito sa Asya). Pero malinaw sa kaso ng Vietnam War na hindi depensa, kundi opensa, ang ginawa ng US. Hindi nito pinangalagaan ang demokrasya; lantarang niyurakan nito ang soberanya ng isang mahirap na bansa. Natakot itong mabawasan ng merkado sa Asya para sa surplus goods nito kung lalawak ang impluwensiya ng noo’y Komunistang China at Soviet Union. Sa kaso ngayon, hindi na Komunista ang China kundi kapitalista na—at direktang karibal ng US sa mga merkado at hilaw na materyales (raw materials).

Kasaysayan ng panghihimasok: Mga lider sa Timog Silangang Asya na lumagda sa Southeast Asia Collective Defense Treaty, kasama si US Pres. Lyndon Johnson (una mula sa kanan). Pang-apat mula sa kaliwa si Pang. Ferdinand Marcos. <strong>Wikimedia Commons</strong>

Kasaysayan ng panghihimasok: Mga lider sa Timog Silangang Asya na lumagda sa Southeast Asia Collective Defense Treaty, kasama si US Pres. Lyndon Johnson (una mula sa kanan). Pang-apat mula sa kaliwa si Pang. Ferdinand Marcos. Ang naturang tratado ang naging batayan ng resolusyon ng US Congress na nagpapayag sa direktang panghihimasok militar ng US sa Vietnam mula 1965 hanggang 1975.Wikimedia Commons

Hindi depensa sa soberanya ng Pilipinas ang pakay ng US sa “Enhanced Defense Cooperation”, o kahit sa nakaraang mga kasunduang militar nito na Visiting Forces Agreement at Mutual Defense Treaty. Pakay nito ang magpakita ng kapangyarihang militar; at kung mabubuyo sa digmaan ang China, ang ibig sabihin nito’y masasangkot ang Pilipinas sa madugong sigalot sa pagitan ng dalawang nag-uumpugang superpower.

Maraming eksperto na ang nagsabi na malakas ang kaso ng Pilipinas sa pandaigdigang mga korte para madeklarang pag-aari ng bansa ang mga teritoryo sa Spratlys. Walang duda na batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea o Unclos, na nasa loob ng Pilipinas ang naturang mga lugar. Sinabi na rin ng mga ekspertong ito na hindi na sa international courts na ito pinakamalakas ang tsansa ng Pilipinas na makuha ang naturang pinag-aagawang mga teritoryo. Hindi na kailangang muling hayaan ang US na yurakan ang soberanya at kalayaan ng Pilipinas para lang magwagi sa Spratlys, atbp.

Sino mang kumokondena sa bullying ng China habang pumapabor naman sa mas matinding panghihimasok ng puwersang militar ng US sa bansa ay nagpapakita ng kawalan ng muwang sa kasaysayan. O di kaya’y ipokrito—at di naman talaga iniisip ang tunay na ikabubuti ng Pilipinas.

Cha-cha at pagbenta ng soberanya

$
0
0
Kamara de Representantes, Plenary Hall ng Batasan Pambansa Complex, Quezon City. <strong>Wikimedia Commons</strong>

Kamara de Representantes, Plenary Hall ng Batasan Pambansa Complex, Quezon City. Wikimedia Commons

komentaryoSa paspasang pag-apruba ng Kamara sa resolusyon kaugnay ng charter change o Cha-cha noong unang linggo ng Marso, hindi ikinaila ng mga nagsusulong nito na “probisyong pang-ekonomiya” lamang ang gagalawin ng Kongreso.

Hayagang pangmamaliit sa soberanya ng bansa ang ipinangangalandakan ng mga promotor ng Cha-cha. Pinakatampok kasi sa isinusulong nito ang 100% pagmamay-ari ng dayuhang kompanya sa negosyo at lupain sa Pilipinas.

Sa hayag, tinutulan ni Pangulong Aquino ang pag-amyenda sa Konstitusyon. Nangako pa si Espiker Sonny Belmonte na hindi gagalawin ang pulitikal na probisyon sa Konstitusyon para mapaniwala ang taumbayan na walang balak si Aquino na pahabain ang kanyang termino.

Pero isa itong panlilinlang o paglihis sa tunay na isyu.

Bagamat sinasabi ni Aquino na tutol siya sa pag-amyenda ng Saligang Batas, ang pagbabago sa probisyong pang-ekonomiya nito ay sang-ayon sa neoliberal na polisiya ng administrasyon na pangunahing itinutulak ng gobyerno ng US sa malakolonyang mga bansa nito tulad ng Pilipinas.

Soberanya ng bansa ang nakataya sa usaping ito. Pero kung tratuhin ng Kamara ay tila isang maliit na tipak lamang ng usapin. Balak alisin ng mga nagsusulong ng Cha-cha ang makabayang mga probisyon sa Konstitusyon ng Pilipinas para sa dayuhang pamumuhunan.

Kung matutuloy ito, ano ang mangyayari?

Isang magandang halimbawa ang pagkakapasa ng Mining Act of 1995 na 19 na taon nang umiiral ngayong taon.

Niliberalisa ng naturang batas ang pagmimina sa bansa. Halimbawa, ang garantiya sa pamumuhunan ng mga dayuhan at kanilang karapatan na sumuway sa mga regulasyon ng pagmimina sa bansa. Binigyan nito ng opsiyon ang multinasyunal at transnasyunal na mga korporasyon para mag-ari ng 100 porsiyento ng mina kapalit ang limos na buwis sa gobyerno.

Hinahayaan ng batas na ito ang dayuhang mga kompanya na magmina sa loob ng 50 taon sa libu-llibong ektaryang lupain ng bansa. May karapatan din ang dayuhang mga kompanya na iuwi sa kanilang sariling bansa ang tubo mula sa mga minang ito. Bukod pa ang tax holidays na tinatamasa nila. (Habang ang karaniwang mamamayan ay hinahabol kapag hindi nagbayad ng buwis).

Ang kapalit nito, pagkawasak ng likas na yaman at pagyurak sa pambansang soberanya. Ang kapalit nito ay karapatan ng mga mamamayan sa pampublikong lupain at serbisyong panlipunan. Hindi na kaila ang pagkalason ng mga katubigan na dating pinakikinabangan ng mga tao, subalit nalason ng mga duming nagmumula sa mga minahan. Hindi kaila ang pagkaubos ng kagubatan para mapagminahan ng mga dayuhan.

Hindi rin kaila ang paglapastangan sa karapatan ng katutubong mga mamamayan sa kanilang lupaing ninuno o ang kaparatan ng mga magsasaka na bungkalin ang lupa para mabuhay. Kung tumutol sila, ginarantiya rin ng Mining Act of 1995 ang karapatan ng mga kompanya na maglagay ng militar at paramilitar na puwersa para protektahan ang kanilang mina.

Ito’y sa industriya pa lamang ng pagmimina; sa panukalang pag-amyenda sa Konstitusyon, kasama sa mga aritkulong nais na baguhin ang may kaugnayan sa edukasyon, siyensiya, teknolohiya, sining, kultura at isports at pangkalahatang probisyon. Ano pa ang matitira sa taumbayan?

Nang niliberalisa ang industriya ng langis, kuryente, tubig, edukasyon, transportasyon, ospital at iba pang batayang serbisyo, ang resulta nito ay pagtaas ng mga presyo na ibayong nagpahirap at nagpapahirap pa hanggang ngayon sa mga mamamayan.

Tandaang ito rin ang mga bagay na nililiberalisa ni Pangulong Aquino sa neoliberal na polisiya. Ngayon, ano itong pagpopostura ng  pangulo na tutol daw siya sa pag-aamyenda ng Konstitusyon?

EDCA ng Pagbabago?

$
0
0
Pang. Aquino at US Pres. Barack Obama noong Abril 28 sa Malakanyang: isinabay sa pagpirma ng DFA at US embassy sa EDCA. <strong>Malacanang Photo</strong>

Pang. Aquino at US Pres. Barack Obama noong Abril 28 sa Malakanyang: isinabay sa pagpirma ng DND at US embassy sa EDCA. Malacanang Photo

komentaryoSa pagpirma nina Defense Sec. Voltaire Gazmin at Philip Goldberg, embahador ng US sa Pilipinas, noong Abril 28 sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), tila nagbabalik ang base militar ng Estados Unidos (US) sa Pilipinas.

Walang dudang isinabay ito sa pagbisita ni US Pres. Barack Obama sa Pilipinas na buong pusong tinanggap ni Pang. Benigno Aquino III kahit pa lumalabas na ni hindi alam ng una kung anong pangalan ang itatawag niya sa huli. Kasabay rin nito ang pagpoprotesta ng mga mamamayan laban sa bagong kasunduan.

Pero ano nga ba itong kasunduan sa kooperasyon ng US at Pilipinas? Pinalakas na depensa? Para kanino?

Layunin at saklaw

Sa unang artikulo ng EDCA, layunin nito na labanan ang anumang armadong atake sa Pilipinas. Ibinatay pa ito sa Mutual Defense Treaty (MDT) noong Agosto 1951 at sa konstekto ng Visiting Forces Agreement (VFA) na umiiral mula pa noong Pebrero 1998.

Pero sa pagsusuri ng Center for People Empowerment in Governance (CenPEG), isang nongovernment institution, walang batayan para gamitin ang MDT dahil ito ay isang instrumento noong panahon pa ng “cold war” para labanan ang umano’y “banta mula sa labas” na tumutukoy sa Rusya, Tsina at North Korea.

Sa konstekto ng EDCA, nilinaw ng CenPEG na walang napipintong atakeng panlabas, na pinalalabas ng gobyerno ng Pilipinas na mula sa Tsina. Ipinangangalandakan ng pangulo na ipagtatanggol ng US ang Pilipinas mula sa panghihimasok ng Tsina. Pero nang bumisita si Obama sa bansa, tila kinumpirma nitong wala silang balak na lumaban para sa panig ng Pilipinas dahil pinananatili nito ang “konstruktibong” relasyon sa Tsina.

Nakasaad din sa artikulo ang “matagalang modernisasyon” ng Armed Forces of the Philippines (AFP), pagmintine at pagpapaunlad ng seguridad sa baybayin ng Pilipinas at pagtulong sa panahon ng kalamidad o sakuna.

Pero tulad ng ipinunto ng maraming eksperto, ang ilang dekada ng pakikipagkasundong militar ng Pilipinas sa US – nariyan ang  Military Bases Agreement (MBA, 1947), MDT, VFA, at Mutual Logistics Support Agreement (MLSA) – tila wala namang “modernisasyon” na naibigay ang US. Kung mayroon, bakit hanggang ngayon ay nakadepende pa rin ang bansa sa Amerika sa usapin ng depensa?

Sa usapin ng pagtulong sa panahon ng kalamidad, ngayong buwan ay kalahating taon nang naganap ang hagupit ng bagyong Yolanda sa Visayas. Pero nagpoprotesta pa rin ang mga biktima dahil sa kawalang-aksiyon ng administrasyong Aquino kahit pa nga tumulong din ang mga sundalong Amerikano noong unang mga buwan matapos ang sakuna.

Pirmahan nina DND Sec. Gazmin at US Amb. Philip Goldberg ng EDCA. Mula sa <strong>DND Facebook page</strong>

Pirmahan nina DND Sec. Gazmin at US Amb. Philip Goldberg ng EDCA. Mula sa DND Facebook page

Labag sa Konstistusyon

Labag din sa Konstitusyong 1987 ang EDCA, ayon sa CenPEG.

Kaugnay ng pagbabawal ng pagpasok ng armas nukleyar na nakasaad sa Konstitusyong 1987, maaari na umanong makapasok ang armas nukleyar dahil hinahayaan ng EDCA na pumasok sa teritoryo ng Pilipinas ang mga barkong pandigma, eroplano at submarino ng US – na nagtataglay ng armas nukleyar.

Ibinigay na halimbawa ng CenPEG ang pagkakabunyag noong 1995 na nag-imbak ng 70 armas nukleyar ang US sa Pilipinas noong panahon ng cold war. Posible pa rin umano itong mangyari dahil walang kapangyarihan ang mga awtoridad na Pilipino na pigilan ang pagpasok ng mapamuksang mga armas na ito dahil malaya silang makapasok sa bansa at walang silang karapatang inspeksiyunin ang mga ito.

Binibigyan din umano ng ekstrateritoryal na karapatan ng EDCA ang US na labag din sa Konstitusyon at iba pang batas pansoberanya. Sa kasunduan, hindi saklaw ng batas ng Pilipinas ang sinumang magkakasala dahil ang mga “pinagkasunduang lokasyon” sa EDCA ay nasa ilalim ng kontrol ng mga Amerikano at walang Pilipino na makakaalam sa anumang nangyayari sa mga lokasyong ito.

Pangangayupapa sa dayuhan

Sa pagpirma ng gobyerno sa EDCA, hinahayaan nitong gamitin ng mga sundalong Amerikano, sa tulong ng mga sundalong Pilipino, ang mga pampublikong lupa at pasilidad, kabilang ang mga kalsada, daungan at paliparan, gayundin ang mga lupaing paga-aari o kontrolado ng lokal na mga pamahalaan. At lahat ng mga “napagkasunduang lokasyon,” na gagamitin ng US ay dapat na ibigay ng Pilipinas ng walang bayad.

Bagamat nakasaad sa ikalimang artikulo ng EDCA na lahat ng napagkasunduang lokasyon ay mananatiling pag-aari ng Pilipinas, anumang istruktura o konstruksiyon na ginawa ng US ay kailangan munang pag-usapan bago isauli kabilang na ang usapin ng kompensasyon. Ibig sabihin, pababayaran pa rin ng US sa Pilipinas ang anumang naitayo nila sa bansa.

Ang mga kagamitan ng US na maaaring ituring na “labis” ay posibleng ilipat o ipagbili sa Pilipinas kung ito’y hahayan ng batas at mga regulasyon ng US.

Malinaw sa mga nakasaad sa kasunduang ito ang di-pantay na mga benepisyo. Isang kasunduan na isang panig lamang ang makikinabang. At tila hindi naman ito inaalintana ng gobyernong Aquino basta’t magampanan lamang ang tungkuling iniaatas ng gobyernong US – ang maging lunsaran ng lakas-militar nito sa Asya-Pasipiko.

Ang susunod na sampung taon ang magpapatunay sa pangangayupapa ng gobyerno ng Pilipinas sa amo nitong Amerikano.

Halaga ng kanyang bisita

$
0
0
Ibinibentang Pope Francis paraphernalia, bago ang simula ng Pista ng Poong Nazareno. <b>KR Guda</b>

Ibinibentang Pope Francis paraphernalia, bago ang simula ng Pista ng Poong Nazareno sa Quiapo, Manila. KR Guda

PW-POPE-FRANCIS-SA-PINAS-iconKung mayroon mang pagkakataon sa modernong kasaysayan ng Metro Manila na literal na tumitigil ang halos lahat ng gawain at natipon ang mga tao sa isang lugar, ito’y tuwing bumibisita ang Santo Papa—ang lider ng Simbahang Katoliko. Walang sinabi ang mga panahon ng laban ni Manny Pacquiao. At kahit pa milyon din ang dumadalo sa enggrandeng mga pagtitipon ng Iglesia ni Cristo, nananatiling Katoliko pa rin ang mayorya ng mga Pinoy—at may matinding pagmamahal sa Santo Papa.

Pang-apat na beses pa lang ngayon na bumibisita ang Papa sa Pilipinas. Isang beses ko pa lang malay na naranasan ang pagbisita. Noong 1995, katulad ko ang milyun-milyong kabataan noon na lumahok sa World Youth Day sa Maynila. Freshman ako sa kolehiyo, at noo’y naisama ng mga kaibigan sa isang study center ng konserbatibong grupong Katoliko na Opus Dei para lumahok sa nasabing event. Ala-Woodstock—pero walang sex, drugs o rock n’ roll—na ilang-araw na nagkampo ang mga tao sa parke. Lahat siguro ng tindera, nasa Luneta. Walang pasok sa mga eskuwela. Pati petty criminals, sabi noon ng PNP, pansamantalang hininto ang trabaho.

opinyon-iconMahigit tatlong oras din kaming naghintay sa harap ng Papal Nuncio sa Taft Avenue para sa ilang segundong pagkaway ni Pope John Paul II sa bintana. “Viva Il Papa,” ang sigaw namin noon. At sa Luneta, nang paikutin ni John Paul II ang kanyang tungkod na para siyang si Charlie Chaplin, makabasag-eardrum ang sigaw ng kabataan. Higit sa sinumang artista ang turing ng mga Pilipino sa Papa. Kung milyun-milyon ang taun-taong halos magpakamatay para sa Poong Nazareno sa Maynila, Our Lady of Penafrancia sa Bikol, at maraming iba pa, lalo pa sa isang buhay na Santo Papa.

Hindi mahirap ipaliwanag ang penomenong ito. May dahilan kung bakit nananatili ang mga pamahiin sa mga Katolikong Pilipino kahit 21st century na. Ngayon, higit kailanman sa kasaysayan ng bansa, matindi ang kahirapan at pagsasamantala. Kung paniniwalaan ang mga sarbey, masasabing halos wala nang nakikitang pag-asa ang mga Pilipino para makaahon sa hirap. Isa sa natitirang source ng pag-asa ang kanilang pananampalataya at pamahiin.

Nagbabaka-sakali ang milyun-milyong Pilipino na magka-campout sa Luneta at Tacloban na may milagrong dumating sa buhay nila kung makikita nila ang Papa. Sa sistemang panlipunan na nagpapanatili sa kanilang kahirapan, sa gobyernong di nila nakikitaan ng pag-asa, saan sila kakapit kundi sa relihiyon? “Kumapit ka lang sa Panginoon” ang bukambibig ng mga relihiyoso tuwing may matinding krisis sa buhay. Mayorya sa kanila, hindi pa naaabot ng mga organisasyong masa na may rebolusyonaryong bersiyon ng “Magandang Balita”. Karamihan sa kanila, tumimo ang turo ng simbahang Katoliko na “mapalad” silang mahihirap dahil mas malapit sila sa Kaharian ng Diyos. At kung di nila makuha ang hustiya na hangad sa mundong ito, makukuha nila ito sa kabilang-buhay.

Si Pope Francis sa World Meeting of Popular Movements sa Roma, Italya noong Oktubre 2014. Larawan mula sa publikasyong Vatican na  <b>L’Osservatore Romano</b>

Si Pope Francis sa World Meeting of Popular Movements sa Roma, Italya noong Oktubre 2014. Larawan mula sa publikasyong Vatican na L’Osservatore Romano

Hindi pa siguro nakakaabot sa kanila ang karagdagang turo ni Pope Francis: Hindi sapat ang maging banal para lumigaya sa kabilang-buhay; dapat ding makibaka para sa kabutihan ng kasalukuyang buhay. Kaya naman sinuportahan niya, halimbawa, ang pandaigdigang pagtitipon ng mga kilusang masa (tinaguriang World Meeting of Popular Movements, na naganap noong Oktubre 2014 sa Roma). Sa kanyang mga pahayag, lumalabas na mas sangkot si Francis sa mga problemang panlipunan kaysa sa nakaraang mga Santo Papa. Kinikilala niya ang pangangailangan ng pagmumulat, pag-oorganisa at pagkilos (“arouse, organize, mobilize,” wika ng mga aktibsita) para makamit ang mas makatungan at maunlad na lipunan. Siyempre, hindi pa rin binibitiwan ni Pope Francis ang dating mga turo ng Simbahan. Pero madalas, mas madiin siya sa nabanggit na “bagong” turo.

Sa kabila ng progresibong mga pahayag ni Pope Francis, hindi mapipigilan ang milyun-milyong Pilipino na maging mapamahiin sa pagbisita niya. Hindi nito mapipigilan na pagkakitaan ng malalaking negosyante, kasama ang nasa media networks, ang Papal Visit—na labag sa mismong mga pahayag ni Pope Francis kontra sa pagsasamantala sa mahihirap. Pero habang nakatipon ang milyun-milyong Pilipino na umaasa sa milagro sa kanilang buhay kapag nakita nila ang Kabanalan, pagkakataon na ng mga grupong progresibo na maabot ng kanilang “Magandang Balita” ang mga Katolikong nananampalataya. Habang tigil ang mundo ng mga Katolikong Pilipino, at gamit ang mismong mga turo at salita ni Pope Francis, pagkakataon na para maihayag sa kanila ang mensaheng ito:

Hindi sapat na maging Banal at masilayan ang Kabanalan. Kailangan ding aktibong lumahok para sa pagbabago ng mundong ito.

Welcome, Pope Francis!

$
0
0

komentaryoSa Pilipinas lamang marahil nagaganap ang parang piyestang pagsalubong sa isang Santo Papa. Sa kabila ng matagal na paghihintay sa iba’t ibang lokasyon sa ruta na dadaanan ni Pope Francis, ang taumbayan ay di magkamayaw at walang pagsidlan ng tuwa, galak, at excitement sa balitang paparating na ang Papa. Parang hindi man lang sila nakakaramdam ng pagod, gutom, at pagka-inip gayong maaga pa’y nakapuwesto na sila.

Madaanan, masilayan, mangitian, makawayan ng Papa ay sapat nang bendisyon at biyaya para sa mga mamamayan. At ano pa kaya kung makamayan, mayapos, mahalikan? Lumalanding pa lang ang eroplano ay nagtatakbuhan na lalo ang kabataan. At sabay-sabay ding kumalembang ang mga kampana sa buong bansa bilang hudyat ng pagdating ng Papa.

PW-POPE-FRANCIS-SA-PINAS-iconNgunit higit sa lahat, liban sa ang saya-saya ng masa ay disiplinado sila sa pagsalubong sa Papa. Tiyak aangkinin ng rehimeng Aquino ang tagumpay na ito. Pero ang totoo, hindi pa ang pagsunod sa mga utos ng mga awtoridad ang nangyari, na kung tutuusi’y overkill sa mga regulasyong pangseguridad, kundi dahil walang masamang tinapay ang mga Pilipino kay Pope Francis, at sa halip iginagalang nila ito, hinahangaan, at inaasahang tutulong sa kanilang mga karaingan. Walang dahlian para gumawa sila ng kaguluhan, o karahasan na para bang inaasahan na ng gobyerno mula sa taumbayan.

Security nightmare,” sabi ng mga pulis at militar. Iyon naman talaga ang unang iisipin ng rehimeng Aquino dahil sa sarili nito’y takot ito sa mamamayan at maraming kasalanang dapat pagbayaran sa bayan.

Sabihin pa, marunong kumilala ang mga mamamayan kung sinong lider ang dapat igalang at proteksiyunan. Dahil ipinakita ni Pope Francis na isa siyang lider na simple, mapagkumbaba at malapit sa mamamayan, inaani niya ang taus-pusong suporta ng bayan. Sabi nga ng iba, para siyang “artista” o “rockstar.”

Pero hindi niya inani ang bansag na ito dahil kumikinang siya sa kagarbuhan, kayabangan o kayamanan, kundi ipinakita niya sa salita at gawa ang pakikiisa sa karaniwang mamamayan. Kaya naman ang Popemobile niya ay bukas na bukas kumpara, halimbawa, sa magagara, tinted at bullet-proof na sasakyan ng mga bulok na pulitiko o masasamang tao na ayaw lumantad sa publiko.

Sabihin pa, kung mataas ang moral at pagpapahalaga ng mga lider ng lipunan sa kanilang mga pinamumunuan o sinasaklawan, aanihin nila ang respeto, proteskyon at pagmamahal ng bayan.

At kung hindi, ang aanihin nila ay ang galit ng sambayanan hanggang sa mapatalsik sila sa katungkulan.

Viewing all 36 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>